Whamos Cruz and Antonette Gail Get Real About Online Bashing

Patuloy na dumadami ang mga tagasuporta at tagapanood ng mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail sa iba’t ibang social media platforms.

Pero sa likod ng mga nakakatuwang content ay ang reyalidad kung saan nakatatanggap sila ng iba’t ibang klase ng bashing online. Alamin kung pano nila ito taas noong hinaharap at nalampasan.

The Reality of Content Creators

Sa pinakabagong vlog ni Agassi Ching, inimbitahan nito ang mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail sa isang Q&A mukbang upang mas lalo pa ito makilala ng kanilang mga manonood.

Isa sa mga nais malaman ni Aga ay kung paano nalagpasan ng mag-asawang Whamos at Antonette ang kaliwa’t-kanang pangbabatikos na natanggap online.

“May mga times na nagkakaroon kayo ng issue ‘di ba? Paano n’yo tinatanggap ‘yun at ano ‘yung take n’yo d’un?” tanong ni Aga.

Una nang isinaad ni Whamos na hindi naging madali sa kanila na makarinig ng mga isyung nakikita nila online na walang katotohanan.

“Ang pinaka mas masakit sa amin ‘yung maniniwala ‘yung mga tao [sa] hindi naman totoo. Hindi ako masasaktan kung ‘yung kumakalat na issue [ay] totoo,” aniya Whamos.

Inamin din nito na minsan na siyang pumatol sa mga bashers lalo na’t walang katotohanan ang mga ibinabatong issue.

“Labas pasok na lang sa tenga [‘yung issue]. Hinahayaan na lang namin pero minsan rume-rebutt ako kapag talagang masasakit na ‘yung nararamdaman namin,” dagdag pa nito.

Ipinahatid din ni Whamos ang kanyang pasasalamat sa mga tunay na nagmamahal at sumusuporta sa kanyang pamilya.

“Thank you sa patuloy na pagsuporta sa amin ni Antonette. Sa mga basher, ‘di na mawawala ‘yan! Maraming salamat pa din dahil kahit basher namin kayo, nanonood pa rin kayo sa’min.” 

Comforting Messages

Matapos mapanood ang nasabing Q&A, maraming mga manonood ang nagpahatid ng mga mensaheng nakapagpapalubag-loob para kina Whamos at Antonette.

@eyrodriguez: “Godbless po sa inyong tatlo! Sana mas sipagan nyo pa mag upload ng mga vlogs nyo para mas marami pa kayong mapasayang tao. Wag isipin ang mga bashers, ipagpatuloy nyo lang ang ginagawa nyo hanggat wala kayong tinatapakan na  tao.”

@Teamkulet_Vlog: “Tama po si kuya whamos ang dami daming gumagawa ng fake account nila tapos mang sscam ng mga taong nagmamahal sa kanila.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.