Why Team Payaman’s Agabus Maza Gets Emotional in Viy Cortez-Velasquez’s Recent Podcast Episode?

Matatandaang bumyahe pa-Bicol ang Anti Higad Squad o AHS ng Team Payaman sa pamumuno ni Viy Cortez-Velasquez upang bisitahin ang pamilya nito sa nasabing probinsya.

Bukod sa pamamasyal at adventure, isang podcast episode na kapupulutan ng aral ang hatid ng mga ito sa bago nitong vlog.

The Reality of Parenthood

Hindi lingid sa kaalaman ng Team Payaman fans na mag-ina ang TP members na sina Carmina Marasigan at Agabus Maza.

Sa kauna-unahang pagkakataon, taas noong ibinahagi ng mag-ina ang reyalidad ng kanilang relasyon at ang mga bagay na nagpapatibay nito.

Habang pinaguusapan ng grupo ang reyalidad ng pagiging isang magulang, agad na itinanong ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV kay Ate Acar ang mga hindi nito nasubukang gawin dala ng maagang pagbubuntis noon sa panganay na si Agabus. 

“[Hindi ko na-enjoy] ‘yung pagiging dalaga talaga. Kumbaga naputol agad,” sagot nito.

Dagdag pa ni Ate Acar na magmula nang ipanganak si Aga, wala itong ibang ginawa kung hindi tutukan at alagaan ang anak.

“For sure marami sa generation nila ‘yung ganun ‘yung nangyari kaya siguro nabubuo ‘yung concept na ‘yung mga hindi nila nagawa, ‘yun yung pangarap nila para sa anak nila,” komento ng editor na si Carlo Santos.

Son’s Emotional Grip

Isa rin sa nakwento ng mag-ina ay ang reyalidad ng kanilang pamilya matapos maghiwalay si Ate Acar at ang asawa nito.

Ayon sa kanila, isa ang mga anak sa mga labis na naapektuhan sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang, partikular na si Aga.

“Actually, isa sa mga kinaiinggitan ko is buo ‘yung pamilya. Nakikita ko ‘yung sarili ko na sana ganito rin ako [buo ang pamilya],” ani Aga.

Mas lalong naging emosyonal ang lahat nang humingi ng tawad si Ate Acar sa kanyang anak dala ng sinapit ng kanilang pamilya.

“Sorry!” saad ni Ate Acar

Sagot naman ni Aga: “‘Di, okay lang ma!”

Hindi na napigilan nina Viviys, Pat Pabingwit, at mga kasama ang maluha sa palitan ng mga salita ng mag-ina.

Ibinahagi rin ni Aga na malaki rin ang paghanga nito sa kanyang ama dahil kailanma’y hindi nito pinabayaan ang kanyang mga kapatid.

“D’un naman ako bilib sa kanya kasi pinag-aaral n’ya mga kapatid ko, ta’s ‘yung ginagawa n’ya ngayon is para sa amin din,” kwento nito.

Netizens’ Reaction

Marami ang naantig sa kwentong ibinahagi nina Ate Acar at Agabus at ipinahatid ang kanilang reaksyon sa nasabing podcast episode.

@anrositv747: “‘Ate Acar:Sorryyyyyy… Aga : ok lang.’ One word pero ang sakit!”

@LifewithRhai: “Nakakaiyak yung sa part na ni Aga about their family. Next Ep: Locar & Gab! Please!” 

@chouling1723: “Ang tapang ni Aga ah, para sabihin yung nararamdaman niya sa harap mismo ng nanay niya haha ang hirap nun!”

@Ana_delle: “When Mama Acar said ‘sorry’ [I] felt [it]”

@RachMdrlj: “I feel bad that Aga spoke up about this on behalf of my kids. I’m a single mom. 3 kids ko. Hindi sila nagsasalita pero I feel like same sila ng iniisip ng mga anak ko with what Aga said. And I feel bad as well for not giving them a complete family. As much as I want to. Sobrang hirap. I’m sorry mga anak ko and thank you for having this episode. Thank you for standing up Aga. And I’m so proud of you Mama Acar. Hugs sa atin.”

@jenielynaranas3982: “Grabe si ate acar sa pagmamahal sa mga anak, ang hirap mag sorry sa harap ng anak mo at ‘yung may ibang nakakarinig na tao. Aminin mo hindi lahat ng nanay kayang gawin na mag sorry ng ganun. Labyu ate Acar!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
173
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *