TikToker Era: Ivy Cortez-Ragos Receives Praises For Her Mini-Vlogs

Kaliwa’t kanang papuri ang natanggap ni Ivy Cortez-Ragos mula sa netizens dahil sa kaniyang mga nakakaaliw na Facebook at TikTok videos. 

Bagamat dati nang nasa mundo ng vlogging ang nakatatandang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ikinatuwa ng netizens ang pagbabahagi nito ng kanyang pang araw-araw na buhay bilang ina, asawa, kapatid, at isa sa mga nagtataguyod ng VIYLine Group of Companies.

Ivy’s Mini Vlogs

Ilang linggo na ang nakalilipas nang simulan ng panganay ng Cortez Family na si Ivy Cortez-Ragos ang pagbabahagi nito ng ilang mga tagpo ng kanyang buhay.

Sa isang Facebook post, unang ibinahagi ng “Ate Ivy” ng bayan ang munting bonding moment kasama ang mga anak na sina Liyah at Sammy matapos ang kanilang midnight food trip.

Hindi naman nawala sa comment section ang kapatid nitong si Viy Cortez-Velasquez na todo suporta sa mini-vlogs ng kanyang ate.

Viy Cortez-Velasquez: “Ang saya ng trip n’yo! ‘Pag malaki na si Kidlat gagawin namin ‘yan.”

Bukod sa bonding ng pamilya, ipinapasilip rin ni Ivy sa kanyang mga mini vlogs ang mga tagpo sa loob at labas ng opisina ng VIYLine.

Ibinahagi nito ang ilan sa mga operasyon ng kanilang negosyo gaya ng pagbisita sa VIYLine Pop Store, pakikipag-usap sa mga kliyente, at mga meeting para sa mga aabangang produkto mula sa VIYLine.

Netizens’ Reactions

Matapos ang ilang linggong pagbabahagi ng mga kaganapan sa pamamagitan ng mini vlogs, maraming mga manonood ang natuwa sa content na hatid ni Ivy.

@carlashemay: “Sana po more vlogs pa, relaxing kasi!”

Jerishalance Trinida: “More mini vlogs [pa] po”

Tinda ng Kapitbahay: “Ako na tinapos ‘yung vlog”

JLShopPH: “More mini vlog, ate Ivy!” 

Samantala, sa isang Facebook post, malaki ang pasasalamat ni Ivy sa mga natatanggap na komento at dami ng mga manonood ng kanyang mini vlogs.

“Grabe kayo!!!! Combined views from TikTok and Facebook total nearly 900,000 plays with 40,000 likes and hearts plus almost 10,000 new followers,” pasasalamat nito.

Laking gulat din nito nang may nagpahatid na ng mensahe mula sa mga brands na gustong magpadala ng produkto.

“Meron na din nag memessage saking gusto mag padala products! Ang puso ko 😭 Maraming maraming Salamat!” ani Ivy.

Nangako rin si Ate Ivy na ipagpapatuloy nila ang pag-uupload at pagbabahagi ng kanyang mini-vlogs. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

44 minutes ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

This website uses cookies.