Viy Cortez-Velasquez Tries Angrydobo Bento Plate and More!

Bukod sa pag-arte, isa ngayon sa pinagkakaabalahan ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay ang negosyo nitong Angrydobo na may branch na matatagpuan sa Taft, Manila.

Tunghayan ang pagbisita ni Viy Cortez-Velasquez sa pinipilahan ng mga ultimate Adobo lovers sa Metro Manila.

VIYsiting Angrydobo

Personal na inimbitahan ng batikang aktres at business owner na si Judy Ann Santos-Agoncillo si Viy Cortez-Velasquez sa kanilang restaurant business na Angrydobo.

Dahil sa pagsuporta ng mga empleyado ng Angrydobo sa Team Payaman, minabuti na ni Judy Ann na imbitahan si Viy upang makilala nito ang mga staff, at personal na masilip ang kauna-unahang Angrydobo branch.

Laking pasasalamat ni Viviys sa imbitasyon ng aktres na masilip ang kanilang family business at masubukan ang ilan sa kanilang mga putahe.

Isa-isang kinilala ni Viy ang mga “cast members” ng Angrydobo at sinilip ang operasyon kung paano nga ba ginagawa ang mga pangmalakasang putahe rito.

“Grabe, nakakatakam ‘yung amoy!” reaksyon ni Viy.

Nang tanungin ni Viy kung ano ang paborito ng aktres sa kanyang menu, walang pagdadalawang isip nitong binida ang kanilang Angrydobo Classic Bowl with Laing. 

Napagkwentuhan din ng dalawa kung ano nga ba ang kakaiba pagdating Adobo ng nasabing kainan. 

Paliwanag ni Juday, “Adobo pa rin s’ya. Iba lang ‘yung cut. Kasi si Ryan talaga ‘yung inspiration ko n’ung ginawa ko ‘yung Adobo.”

“Mahilig kasi s’ya na manipis na malutong, so ‘yun ‘yung inachieve ko. And magkaaway kami nung binuo ko ‘yung recipe, kaya s’ya Angrydobo,” dagdag pa nito.

Sinubukan din ni Viy ang Bento Plate na ipinagmamalaki ng Angrydobo, kung saan pwede ito mamili ng sariling Adobo combination sa halagang P295.

Sitaw-kalabasa, Angrydobo egg, Lumpiang Shanghai, Atsara ng Nata de Coco, Adobong Pusit, at kanin ang napiling kombinasyon ni Viviys para sa kanyang Bento Meal. 

“Ay ang sarap nito ma’am. Parang kailangan wala munang pansinan,” biro ni Viy.

“Yung mga ulam na nilagay ko dito [sa menu], most of them, ‘yung pagkain na gusto ko talaga. ‘Yung alam kong gusto rin ng mga bata,” pagbabahagi ni Juday.

Experience the #LoveHateRelationship

Matitikman ang Angrydobo at ilan sa kanilang mga ipinagmamalaking mga putahe sa kanilang branch sa Taft, Manila mula 10AM hanggang 9PM araw-araw.

Maaari ring umorder sa kanilang GrabFood, FoodPanda at Hotline gamit ang mga numerong: 0968 619 4971

Manatili lang nakaantabay sa opisyal na Facebook at Instagram page ng Angrydobo para sa mga updates at announcements.

Watch the full video here: https://www.instagram.com/reel/DAIUQEXKlUy/?utm_source=ig_web_copy_link&igsh=MzRlODBiNWFlZA==

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.