Team Payaman’s Mau Anlacan Showcases Acting Skills For an International Emmy Awards Entry

Bukod sa galing sa pagsayaw, isa rin ang pag-arte sa harap ng camera sa mga talento ng Team Payaman member na si Mau Anlacan.

Ngayong taon, muling sumabak sa aktingan si Mau at naging parte ng isang film entry para sa isang prestihiyosong award-giving body. 

International Emmy Awards

Noon pa man, laman na ng mga TV commercials at ilang mga palabas ang Team Payaman member na si Stephanie Maureen Anlacan, a.k.a Mau.

Ilan sa mga pinagbidahan nito ay ang commercial ng Fudgee Bar at McDonald’s kung saan nakasama niya ang SB19.

Dahil sa angking galing at hilig sa pag-arte, hindi pinaglagpas ni Mau ang pagkakataong makiisa sa mga programa sa kanilang kolehiyo.

Isa na sa mga proyektong kanyang natapos ay ang palabas na “Taong Grasya” na pinagbidahan ni Mau kasama ang kapwa TP members na sina Kevin Cancamo. a.k.a Geng Geng at Kevin Hufana

Ngayong taon, muling bibida si Mau para sa isang palabas na kanilang gagamitin bilang entry sa JCSI Young Creatives Award Competition ng International Emmy Awards

Ang International Emmy Awards ay isang prestihiyosong parangal na ibinibigay taun-taon para sa mga natatanging pelikula mula sa iba’t ibang bansa. 

Lumahok ang San Beda College Alabang sa nasabing paligsahan upang ipamalas ang galing hindi lamang ng mga Bedans, kung hindi pati na rin ang angking talento ng mga Pilipino sa larangan ng sining. 

Isa si Mau Anlacan sa mga mapalad na mapabilang sa mga karakter na binuo ng nasabing unibersidad.

“Toy’s Story”

Sa isang Facebook post ng isang organisasyon ng mga estudyante mula sa San Beda College Alabang, ipinasilip nito ang inihandang pelikula para sa nasabing patimpalak.

Beda Comm: “Magsisimula na ang kwento. Narito na ang preview ng Toy’s Story para sa EMMYS 2024!”

Sa ekslusibong panayam ng VIYLine Media Group kay Mau, ibinahagi nito ang munting pasilip sa kanilang entry.

“Yung Toy’s story is a 1 minute film about a perspective of a toy being a companion o kaibigan sa isang bata na biktima ng violence sa tahanan,” kwento nito.

Dagdag pa ni Mau, “The title itself sounds misleading pero sa totoong buhay ‘yung mga young and innocent oppressed victims of any kinds of abuse, sa sobrang wala pa sila kamuwang-muwang they are too young to respond sa sitwasyon at clueless sila on what to do.”

Ibinahagi rin nito ang ilan sa mga mahahalagang aral na mapupulot ng mga manonood sa “Toy’s Story.”

“We are often concerned about the reported cases of violence against women and children dito sa Pilipinas, yung mga authorities and miyembro ng lipunan natin shares empathy towards the victims from the data and statistics. But what about those that remain unheard and unreported?” tanong ni Mau. 

Saad pa nito: “Our empathy should never end at those reported cases, yung concern natin ay dapat umaabot rin para sa mga hindi pa nakakatakas at hindi pa naririnig na kwento ng mga biktima na nasa poder pa ng takot at pangangamba hanggang ngayon.”

Samantala, maaaring ipakita ang inyong pag-suporta kay Mau sa pamamagitan ng pagboto sa nasabing film entry sa Oktubre.

“By October mag oopen na yung link for us to vote, and thru that pwede niyo kaming ma support by voting and of course dun din sa link na yun siya mapapanuod.”

Umaasa si Mau na mapabilang ang kanilang entry sa finalist ng JCSI Young Creatives Award Competition ng International Emmy Awards.

“Who knows baka iuwi pa natin yung Emmy’s Award 2024. So yah! Stay tuned! I’ll be posting the link naman once na open na siya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *