Netizens React to Actress Sofia Andres’ Fangirling Moment Over ‘Malupiton’

Isa ngayon sa mga kinagigiliwan ng mga netizens sa mundo ng social media ay ang rising entertainment content creator na si Malupiton.

Dahil sa kanyang pagpapasaya, isang aktres ang hindi napigilang ipahayag ang kanyang pagsuporta sa tinaguriang “Bossing” ng mga manonood online. 

Fangirling Moment

Kung narinig mo na ang mga katagang “Bossing, kumusta ang buhay-buhay?” maaaring minsan nang lumabas sa inyong mga social media feed ang content creator na si Joel Ravenera, a.k.a Malupiton.

Kilala si Malupiton sa kanyang mga nakakatawang mga reels sa Facebook, TikTok, at YouTube, dahilan upang dumami ang kanyang mga manonood sa loob at labas ng bansa.

Dahil sa kanyang pagbibigay saya sa kanyang mga taga-suporta, isa ang Kapamilya actress na si Sofia Andres sa mga pumukaw ng kanyang pansin.

Sa isang Facebook post, humingi ng tulong ang aktres sa kapwa nito aktor na si Joshua Garcia na mahanap ang kanyang iniidolo.

“Mga bossing! Help me find this guy at magpapicture lang ako. Mahaba daw pila 🙏🏼🙃 send help, Joshua Garcia,” ani Sofia kaakibat ng larawan ni Malupiton.

“Help me find my crush!” dagdag pa nito sa isang Instagram Story entry.

Nang makita ito ni Joel, agad itong nagkomento at tila hindi makapaniwala sa post ng nasabing aktres.

“Ma’am, anong ginawa ko sainyo, bakit n’yo ko hinahanap?” biro nito.

The Virtual Meet-Up

Nang tuluyang makapanayam ni Sofia Andres ang grupo nina Joel, nabigyan ito ng pagkakataong makavideo-call nito ang iniidolo.

“Tapos na ang pila. Salamat bossing! 😂❤️ Malupiton Official!” ani Sofia sa isang post.

“Happy ka na, madam?” hirit ni Joel.

Samantala, sa isang pang Facebook post, nilinaw ni Sofia ang katotohanan tungkol sa kanyang pagsuporta at paghanga sa tinaguriang Bossing ng social media.

“Say whatever you want to say about me idolizing this person. I don’t mind. I can relate to him, he’s a talented human being, he’s family oriented, he’s genuine & I don’t think it’s a bad idea to support someone in the industry,” saad ng aktres.

Dagdag pa nito: “I don’t really share my fangirling moments all the time but this one is different.  Spreading love & kindness is free. Saludo ako sa mga totoong tao at nagtatrabaho at nagsisikap para sa pamilya at para sa sarili. Malupiton Official.” 

Netizens’ Reactions

Marami ang natuwa at tila hindi makapaniwala sa paghanga ng aktres kay Malupiton na s’yang umani ng samu’t-saring komento online.

Kristine Fe H. Monasterial-Tan: “Love you, Sofia Andres! Thank you for always spreading love, kindness and good vibes!”

Arlene Señal: “I love Malupiton ,he is a good son to his parents and a hard working guys”

Lhaai Dioma: “Share the love! Boss idol!” 

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.