Moving On: Von Ordoña Sells Unfinished Property; Scouts New House for Billionaire Gang

Limang buwan matapos isapubliko ang sinapit ng kanila sanang dream house, handa nang mag move ang content creator na si Von Ordoña at humanap ng bagong tahanan para sa kanyang pamilya at sa grupong Billionaire Gang. 

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Von at ng nobya nitong si Carlyn Ocampo ang mga hakbang nila para malimutan ang masalimuot na karanasan sa pagpapagawa ng bahay.

Exposing engineer

Matatandaang noong Abril ay matapang na isiniwalat ni Von Ordoña sa publiko na naudlot ang pagpapagawa nila ng bahay dahil sa pagwawaldas ng higit 8M pisong budget ng kanilang pinagkatiwalaang engineer. 

Nanawagan pa si Von kay Engr. Mike Bote mula sa ML Builders Construction Company na noon ay naglahong parang bula tangay ang kanilang pera at pangarap na bahay. 

Hindi nagtagal ay nakausap ni Von ang nasabing engineer at inaming nagamit niya sa sugal ang perang budget sana sa bahay. 

Moving On

Sa pagnanais na tuluyuang malimutan ang mapait na karanasan, inanunsyo nina Von at Carlyn ang pagbebenta ng lote kung saan sana itatayo ang kanilang dream house. 

“Napagdesisyunan po namin na yung lupa namin na pagtatayuan sana ng pangarap na bahay eh ibebenta na,” paliwanag ni Von. 

 “Mahirap man i-let go kasi gusto talaga namin yung spot na ‘yun,” dagdag pa ni Carlyn.

Dagdag pa ng magkasintahang content creators, napagpasyahan nila ito upang tuluyan nang mag move on at gumawa ng bagong yugto sa pagkakaroon ng sariling bahay. 

Kaya naman sinimulan na rin anila ang paghahanap ng mga house and lot sa Tagaytay na maari nilang lipatan. 

Bagamat maraming nasilip na mga property, hindi pa rin nahanap nila Von at Carlyn ang napupusuang bahay kung saan kasya ang buong Billionaire Gang fam. 

Nanawagan din ang dalawa sa mga nais bumili ng kanilang lote, at maging sa mga property owners na nagbebenta ng kanilang bahay.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.