Young Team Payaman Fan Receives First-Ever Team Payaman Fair 2024 Ticket

Isang maswerteng Team Payaman fan ang personal na nakasalamuha si Viy Cortez-Velasquez at nabigyan ng libreng Team Payaman Fair 2024 ticket sa kauna-unahang pagkakataon. 

Touching Support

Hunyo nitong taon nang pumalo sa mahigit 900,000 views ang TikTok video ng isang ina na ibinida ang kanyang anak na isang solid Team Payaman fan.

Sa nasabing video, ipinasilip ni Mommy Mylene Kaye Delos Reyes-Silva ang tagpo kung saan hindi napigilang maging emosyonal ang anak na si Franz dahil bigo itong makita ang kanyang mga iniidolo sa nagdaang VIYLine Pop Store sa Southwoods Mall.

“Sino ba gusto mong makita?” tanong ng ina.

Sagot naman ni Franz: “Silang dalawa.”

Paliwanag ng ina: “Wala si Cong d’un. Si Viy lang nandun. Sa December na lang. Punta na lang tayo ng Team Payaman Fair.” 

Ang nasabing tagpo ay umani ng mga nakakatuwang mga komento mula netizens, dahilan upang mapansin rin ito ni Viy Cortez-Velasquez.

Sa isang TikTok video, hindi napigilang maantig ni Viviys kaya naman nagpasya itong surpresahin ang kanyang taga-suporta.

“Baby, ‘wag ka nang umiyak. Bibigyan kita ng ticket sa TP Fair, kayo ng family mo, tapos sa susunod na VIYLine Pop Store, papasundo kita. Magkita tayo. ‘Wag ka nang umiyak, and thank you sa support!” mensahe ni Viviys.

The Meet and Greet

Matapos ang ilang buwan na paghihintay, nagtagpo na si Franz at ang idolo nitong si Viy sa nagdaang VIYLine Pop Store sa SM Southmall sa Las Piñas City.

Sa isang TikTok video, muling ibinahagi ng ina ni Franz ang mga tagpo mula sa kanilang paghahanda hanggang sa inaabangang pagkikita ng dalawa. 

Bago umalis ng kanilang tahanan, naghanda pa ng regalo si Franz para sa anak ni Viy na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, na mahilig sa karakter ni Spiderman.

Nilibot ng mag-ina ang mga stall sa loob ng VIYLine Pop Store, at sinulit ang pagkakataong makasalamuha ang ilang Team Payaman members.

“I’m excited for you, be!” mensahe ng kanyang ina.

Matapos ang ilang oras na paghihintay, game na game si Franz na nakisalamuha at nakipagkulitan sa kanyang iniidolo na si Viy Cortez-Velasquez.

Walang tigil sa pagtalon at pag-ngiti si Franz nang makita na ng personal ang kanyang Ate Viviys.

“Ito pala si Franz, ‘yung nasa TikTok na umiiyak! B’at ka umiiyak d’on?” bungad ni Viviys.

Dagdag pa nito, “‘Di ‘ba sabi ko sa’yo magkikita tayo tapos bibigyan kita ng ticket ng Team Payaman Fair para makita mo sila Kuya Cong!”

Maya-maya pa’y inabot na ni Viy ang ilang mga ticket na handog nito kay Franz at kanyang pamilya upang makadalo sa Team Payaman Fair 2024 ngayong Disyembre.

Ikinatuwa naman ni Viviys nang iabot na ni Franz ang kanyang regalo para kay Kidlat.

“Ay thank you po! Ang galing n’ya mag-drawing, thank you Kuya!” pasasalamat nito.

​​

Walang hanggan din ang pasasalamat ng kanyang ina kay Viy sa pagtupad ng pangarap ng kanyang anak.

“Thank you so much Ms. Viy sa pagtupad ng kagustuhan niyang makapunta ng VPS at makita ka!” mensahe nito.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

3 minutes ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

2 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

3 days ago

This website uses cookies.