Netizens Applaud Junnie Boy’s SB19 Pagtatag Documentary Premiere Night OOTD

Kamakailan lang ay dumalo ang Team Payaman couple na sina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez sa premiere night ng SB19 Pagtatag! The Documentary.

Bukod sa kanilang pagsuporta sa tinaguriang “Ppop Kings,” hindi napigilang batiin ng ilan ang OOTD ni Junnie Boy, na s’yang umani ng positibong komento mula sa netizens.

SB19 Pagtatag! The Documentary

Sa isang Facebook post, ipinasilip ni Vien Iligan-Velasquez ang ilan sa mga tagpo sa pagdalo nila sa premiere night ng dokumentaryo ng pioneer P-Pop group na SB19 na ginanap sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City. 

Bukod sa mag-asawang Junnie at Vien, kasama rin ng mga ito ang ilang miyembro ng Team Payaman upang masaksihan sa kauna-unahang pagkakataon ang dokumentaryo ng nasabing PPop group.

Marami namang mga A’tin (fans ng SB19 )ang natuwa sa pag-suporta ng Team Payaman sa nasabing grupo.

Dhaj Tiaga Paggao: “Thank you sa support Vien and Junnie!”

Adarna Elle: “Thank you so much Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy for supporting our Mahalima. It means a lot to us.”

Flor Cadiz: “You’re so pretty po salamat po for supporting our mahalima!

Cynthia Murillo Alfonso: “Thank you for the support #SB19PAGTATAG!”

Junnie’s OOTD

Samantala, marami naman ang namangha sa pangmalakasang OOTD na suot ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, sa nasabing premiere night. 

Bago sumabak sa pormahan, sumangguni muna si Junnie kay Jeff Ong, isang fashion content creator sa TikTok. 

Kilala si Jeff sa kanyang mga rekomendasyon hindi lang sa mga kasuotan, kundi pati na rin sa mga pabango para sa mga kalalakihan.

Sa isang TikTok video, ipinasilip nito ang palitan nila ng mensahe ni Junnie, kung saan humihingi ang Team Payaman vlogger ng ilang rekomendasyon para sa kanyang susuotin sa naturang premiere night.

“Sir, ano po pwede kong pang-top and shoes po para sa smart casual na fit? Hahaha may suggestion ka po? Sorry ang random,” bungad na mensahe ni Junnie.

Isa sa naging suhestiyon nito ay ang pagsuot ng puting pantalon, puting panloob, at semi-oversized na polo.

Dagdag pa ng fashion enthusiast na si Jeff: “Then sa shoes, chelsea boots na black or tassel loafers.” 

Labis ang naging pasasalamat ni Junnie sa tulong ni Jeff na mapaganda ang kanyang outfit of the night.

“Thank you so much! Hahaha, ganda nga ng fit ko d’yan!” ani Junnie.

Ipinahatid din ng netizens ang kanilang pagbati sa pangmalakasang OOTD ni Junnie Boy sa tulong ni Jeff Ong.

@katsu: “Kaya pala ang gaganda ng mga fits n’ya lately!”

@nick: “Tito Val ang galawan!”

@Skylar: “Ganda ng fit. daddy na daddy ang datingan. yung galing abroad. kulang na lang ng saudi gold.”

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

26 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

33 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.