Doc Alvin Francisco Sheds Light On Andrea Brillantes’ Nasal Condition

Noon pa man ay usap-usapan na ng marami ang kakaibang kondisyon ng aktres, vlogger, at business owner na si Andrea Brillantes pagdating sa kanyang pang-amoy.

Hatid ngayon ng doctor at content creator na si Doc Alvin Francisco ang ilan sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kontrobersyal na sakit ng batang aktres.

Blythe’s Nasal Condition

Sa isang Instagram reel, ipinaliwanag ng aktres at negosyanteng si Andrea Brillantes, a.k.a Blythe, kung bakit nito naisipang magbenta ng pabango sa kabila ng kawalan ng pangamoy dala ng kanyang kondisyon.

Una nang ipinaliwanag ng dalaga na ipinanganak ito na mayroong Congenital Anosmia, kung saan nawalan ito ng kakayahang maka-amoy mula pa noong sya’y ipanganak.

“So it was then and there when I realized [that] there was something wrong with me. In short, I cannot smell anything,” kwento ng aktres.

Paliwanag pa nito: “Dahil hindi ako nakaka-amoy, I became conscious of my scent. Since I really enjoy perfumes, my team and I decided na ‘Tara, [mag]labas tayo ng perfume!” 

Doc Alvin’s Take

Mapapanood sa bagong vlog ni Doc Alvin Francisco ang pagbabahagi nito ng kaalaman sa kakaibang sakit ng Kapamilya actress na si Andrea.

Siniyasat ng doctor/vlogger ang nasabing kondisyon ng aktres upang makapagbigay liwanag sa sakit na Congenital Anosmia.

Ayon kay Doc Alvin, ang salitang “Anosmia” ay nangangahulugang walang pang-amoy, habang ang salitang “Congenital” naman ay nangangahulagang “in-born.”

Bukod aniya sa pagiging in-born ng sakit na ito, maaari din itong maranasan kapag sinisipon, o hindi kaya’y nakararanas ng ibang mga sakit gaya ng COVID-19.

Isa rin sa mga kaakibat ng pagkakaroon ng Congenital Anosmia ay ang pagkakaroon ng cleft palette, pagkawala ng kidney, problema sa paningin at pandinig.

“Very lucky [si] Miss Andrea kasi mukhang wala s’ya n’ung mga sintomas na ‘yun eh. Perfectly normal!” komento ni Doc Alvin.

Binigyang linaw din ni Doc Alvin na kaakibat rin ang kawalan ng gana sa pagkain ang kawalan ng pang-amoy dala ng kawalan ng pagkakataong malasahan ito ng maayos.

Ayon pa rito, genetic ang Congenital Anosmia, ibig sabihin ay pwede itong mamana, o hindi kaya’y maging sanhi ng trauma o aksidente, impeksyon, o pagkakaroon ng bukol.

Payo ni Doc Alvin: “Upang malaman mo kung meron kang Congenital Anosmia, pwede ‘yang maimbestigahan through MRI. ‘Dun ay makikita natin na wala talaga ‘yung olfactory nerves o olfactory bulb.”  

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

5 hours ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

1 day ago

Summer Just Got Better with Viyline MSME Caravan at SM Dasmariñas

The VIYLine MSME Caravan is a great opportunity for local business owners to show their…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

6 days ago

Alex Gonzaga Shares a Sneak Peek of Her Dream Home’s Progress

Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya…

1 week ago

Summer Outfit Ideas ft. Muyvien Apparel’s Everyday Basics Collection

Let’s be real—summer fashion is a balancing act. You want to look cute, but you…

1 week ago

This website uses cookies.