Price Reveal: Kevin Hermosada Shares Expenses Behind New Aesthetic Tiny Home

Matapos ibahagi ang mga pinagdaanan para makabukod at maipundar ang sariling tahanan, masayang ibinahagi ngayon ni Kevin Hermosada kung magkano ang inabot ng kanilang gastusin para sa kanilang bagong aesthetic tiny home. 

Sa kanyang bagong YouTube vlog, inisa-isa ni Kevin ang mga kagamitan sa kanilang munting tahanan ng asawang si Abigail Campañano-Hermosada

Budget Check

Paliwanag ni Kevin, nais nyang idokumento ang mga nagastos nila sa bahay hindi para pasakitin ang ulo nila sa gastos kundi para ma-track kung pasok pa ba ito sa kanilang budget. 

“Kagaya mo, nagtitipid din kami at kailangan nating i-track kung nakakamagkano na tayo sa mga ginastos natin,” ani Kevin. 

Unang ibinida ni Team Payaman vlogger ang mga kagamitan na ginagamit nila sa pang araw-araw na pagluluto gaya na lang ng kitchen utensils, cutlery organizer, tong, storage rack, cookware at iba pa. 

Inamin naman nito na nagkamali sila sa pagbili ng water container na nagkakahalaga ng P300, dahil napagtanto nilang marami pang mas murang kaysa dito. Simula noon ay natuto na raw silang mag-canvas ng presyo ng mga gamit bago mamili. 

Samantala, ibinahagi rin ni Kevin ang kahalagahan ng pagbili ng dekalidad na lababo na magagamit sa bahay ng pangmatagalan.

“Kung mahal man ‘yan basta sobrang tibay eh bilhin mo na, dahil ang sink mahirap syang tanggalin, unang una. ‘Yan ang isa sa pinaka araw-araw na ginagamit, kailangan mo talagang mag invest dyan.”

Aircon Horror Story

Matapang ding ibinahagi ni Kevin Hermosada ang pagkadismaya nila sa nabiling aircon unit dahil hanggang ngayon aniya ay hindi nila ito magamit. 

July 13 aniya nang mabili nila ito Facebook Marketplace, bagamat naging smooth ang transaction, delivery at installation, nagkaroon ng aberya matapos maikabit ito. 

“Noong ikinabit na siya [aircon], doon lang nalaman na defective ang aircon.”

Agad naman aniya silang nag-request ng kapalit na unit ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila binabalikan.

Sa huli, isang makabuluhang tip ang iniwan ni Kevin sa mga gaya nilang nagsisimula palang magpundar ng gamit para sa sariling tahanan.  

“Siyempre kailangan mo ring i-consider yung budget mo. Kung ano lang yung kaya ng budget niyo, ‘wag nyong pilitin ng pilitin. Dahil pag pinilit nyo ‘yan, magigipit kayo.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

17 hours ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

19 hours ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

Cortez Family Joins “Pagsinta kay Maria” at Sto. Niño de Cebu Parish, Biñan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…

4 days ago

This website uses cookies.