Clouie Dims Tests Team Payaman’s Taste Buds With ‘Guess the Chicken Challenge’

Isang masayang hamon na naman ang hatid ngayon ng Team Payaman vlogger na si Clouie Dims na sumubok sa panlasa ng ilang kapwa nito Team Payaman members. 

Sa kaniyang bagong vlog, hinamon ni Clouie sina Steve Wijayawickrama, Coach JM Macariola, Carlos Magnata, a.k.a Bok, at Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa isang “Guess the Chicken Challenge.”

Hinati ni Clouie ang apat sa dalawang grupo kung saan magkakampi sina Bok at Dudut laban kina Steve at Coach JM. 

Guess the Chicken Challenge

Simple lang ang mechanics ng laro, kailangan mahulaan ng bawat grupo kung anong brand ng manok ang ihahain sa kanila ni Clouie Dims. Maari nilang amuyin at tikman ang mga manok habang nakapiring ang kanilang mga mata. 

Ang mananalo sa nasabing challenge ay ililibre ni Clouie ng hapunan sa mapipili niyang restaurant. 

Unang inihain ni Clouie ang paboritong Jollibee Chicken Joy ng mga Pinoy. Pagkalapag palang at pagkaamoy sa mga manok ay nabigay agad ng dalawang grupo ang tamang sagot. 

Sunod na pinatikim ang chicken mula sa Greenwich na pakiramdam ni Clouie ay mahirap hulaan.

“Mukhang mahihirapan sila dito!” ani Clouie. 

Nakuha nina Dudut at Bok ang puntos sa round na ito, at maging sa sumunod na manok mula sa McDonalds. 

Nakapuntos naman sina Steve at Coach JM nang mahulaan ang manok mula sa Uncle John’s at Popeyes. 

Nakuha naman ng parehong grupo ang puntos sa mga manok mula sa Chowking, Bon Chon, at Bok’s.

Pero patuloy na lumamang ang grupo nina Dudut at Bok matapos tumama ang hula sa mga manok muka sa KFC at Andoks. 

Final Round

Dahil malaki ang lamang nina Dudut at Bok, napagdesisyunan ni Clouie na bigyan ng sampung puntos ang makakahula sa huling manok na kanyang ihahain. 

Dito na nagtagumpay ang grupo nina Steve at Coach JM matapos mahulaan ang manok mula sa 24 Chicken. 

“Para tayong nag-bilyar tapos sila yung humulog ng 8 ball!” pagkadismaya ni Dudut Lang.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

3 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.