Geo Ong Opens Up About How Vlogging Changes His Outlook in Life

This article may contain triggering topics such as mental health and anxiety. Reader discretion is advised.

Personal na lumipad patungong Puerto Princesa, Palawan ang vlogger at aktres na si Alex Gonzaga para sa hindi inaasahang collab nito kasama ang Ong Family.

Kilalanin ang Ong Family at makiisa sa masaya at hindi malilimutang Palawan adventure hatid ng “Gong Fam” o Gonzaga x Ong Family.

Palawan Adventure

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi 36-anyos na vlogger na si Catherine Gonzaga-Morada, a.k.a Alex Gonzaga ang kauna-unahang pagkikita nila ng Ong Family.

Una nang ipinasyal ni Geo Ong ang kanyang bisita sa loob ng kanilang tahanan at sunod nitong ipinakita ang ilan sa mga kilalang pook sa kanilang probinsya.

Kilala ang Ong Family sa kanilang mga buwis buhay adventure gaya ng backpacking, camping, mountain climbing, at iba pang ocean adventures.

Game na game na nakiisa si Alex sa mga aktibidad na pinangunahan ng Ong Family, na s’ya namang ikina-enjoy nito.

“Gusto ko solid ‘yung magagawa ngayon. Gawa tayo ng solid na memories! Pero lagi naman nating priority ‘yung safety, may mga gamit tayo d’yan,” paliwanag ni Geo kay Alex.

Mula sa pagmamaneho sa matatarik na lugar, paglangoy sa dagat, pamamangka, hanggang sa walang humpay na foodtrip ay hindi inatrasan ni Alex.

Getting Real

Sa gitna ng kanilang buwis buhay adventure, lubusang nakilala ni Alex si Geo Ong matapos ang kanilang masinsinang kwentuhan.

Una nang ibinahagi ni Geo ang pinagmulan ng kanilang pagmamahal sa paglilibot sa mga isla sa Palawan.

“Kasi wala kaming address kung saan kami pupunta. Kung saan lang ako dalhin ng nanay ko, ‘dun na. Eh dinala n’ya ako sa isang dagat dati. ‘Dun na ako tumira, ‘dun ako nag-aral,” kwento nito.

Humanga si Alex sa taglay na talento at hilig ni Geo sa mga nabanggit na aktibidad, dahilan upang matustusan nito ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

“Ang galing ‘no? ‘Yung childhood mo nagamit mo s’ya ngayon sa trip mo tapos kumikita ka!” pagbati ni Alex.

Nabanggit ni Geo na hindi rin mawawala sa kanyang journey bilang isang vlogger ang ilang mga problema kabilang na ang pakikipaglaban sa anxiety.

“Meron akong anxiety, [‘yung tipong] may maramdaman lang akong isang pumitik sa katawan ko, feeling ko cancer na,” bungad nito.

Ayon kay Geo, isa ang pagpunta sa karagatan at pagsubok ng mga aktibidad sa mga naging gawi nito upang maibsan ang nararamdaman.

Nang marinig sa kanilang mga manonood na malaking tulong ang mga vlogs ng Ong Family sa kanilang mental health, ito ang kanilang naging tugon:

“Sa’kin din [nagsisilbing therapy ‘din ang vlogging]. Oo ganon!” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

2 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

4 days ago

Boss Keng’s Game Show Gets Real as Junnie Boy Fights for His Comeback

Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…

5 days ago

Agassi Ching Finally Gets His Dream Toyota Prado After 8 Years of Vlogging

Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…

6 days ago

Turn Moments Into Memories with Viyline Print’s HQ Photo Canvas

Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…

6 days ago

This website uses cookies.