Team Payaman Invades Bicol Region And Here’s Why

Isa na namang adventure ang hatid ng Team Payaman ngayong bumyahe ang mga ito sa timog-silangang bahagi ng Luzon, ang Bicol Region.

Alamin kung bakit nga ba bumisita ang Team Payaman sa Bicol at kung ano ang mga dapat abangan sa kanilang munting bakasyon sa Land of the Oragons!

Strong Mind Foundation Spiritual Seminar

Personal na nakiisa ang VIYLine Group of Companies CEO Viy Cortez-Velasquez at asawa nitong si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at ilan pang miyembro ng Team Payaman sa ikalawang spiritual seminar hatid ng Strong Mind Foundation.

Ang Strong Mind Foundation ay isang inisyatibo ng General Manager ng VIYLine at ama ni Viy na si Rolando Cortez. Layunin nitong magbigay suporta at kaalaman pagdating sa usaping mental health.

Ang nasabing seminar ay ginanap sa Betania Retreat House, San Agustin, Iriga City nitong Sabado, Agosto 17, 2024.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Betania Retreat House ang kanilang pasasalamat sa pagdalo ng vlogger sa nasabing seminar.

“Ms Viy Cortez-Velasquez, a famous blogger, posed with the staff of Betania during the seminar conducted by the Strong Mind Foundation.”

Off-Road Adventure

Habang nasa seminar ang Team Viviys, isa naman sa mga sinubukan ng Team Payaman boys sa pamumuno ni Cong TV, ay ang off-road adventure.

Hindi nila pinalampas na masubukang magmaneho ng 4×4 tubular vehicles sa ilang magagandang pook sa nasabing rehiyon.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Peyra Bros, isa sa mga kilalang off-road driving club sa Bicol, ang interaksyon sa Team Payaman.

“Team PYMN and Team PYR Collab,” pagbabahagi nito.

Manatiling nakatutok sa opisyal na Facebook at YouTube channel ng Peyra Bros upang matunghayan ang masaya at hindi malilimutang off-road driving experience ng Team Payaman!

Ghost Hunting

At syempre, hindi rin pwedeng mawala ang mga kwelang ghost-hunting serye hatid ng Team Viviys at Team Cong. 

Habang abala ang Team Cong sa pagbisita sa isang kilalang haunted house sa lugar, kwentuhang katatakutan naman ang hatid ng Team Viviys base sa kanilang karanasan sa pinagdausan ng kanilang seminar.

“After nilang mag-usap, noong paalis na, biglang may nabasag na vase sa second floor. Tumunog, nahagip ng video,” kwento ni Karol Mañalac, Marketing Manager ng VIYLine.

Fiesta Travel Vlog

Isa sa mga dapat abangan ng solid Team Payaman fans ay ang nilulutong bagong episode ng “VIYahe Tayo” hatid ng VIYLine Media Group.

Abangan ang pasabog travel vlog ng VIYLine Media Group, kung saan lubusang makikilala ang  gawi, tradisyon, at kultura ng mga taga-Bicolandia.

Manatiling nakatutok sa mga opisyal na Facebook, Instagram, at YouTube accounts ng VIYLine Media Group para sa karagdagang updates.

Yenny Certeza

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

2 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

2 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

3 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

3 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

4 days ago

This website uses cookies.