LOOK: Team Payaman and Netizens’ Funniest Reaction to #PatAga Photoshoot Reveal

Kilig to the bones na naman ang hatid ng bagong tambalan mula sa Team Payaman na binubuo nina Agabus Maza at Patricia Pabingwit, o mas kilala bilang #PatAga. 

Ito ay matapos ipasilip ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang naganap na photoshoot ng dalawa para sa nalalapit na Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights sa Disyembre. 

Hindi naman pinalampas ng ilang Team Payaman members at netizens na maipahayag ang kanilang kilig sa tila umuusbong na pagtitinginan ng dalawa. 

“Layag na layag”

Ibinahagi ni misis ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang sneak peek sa larawan nina Pat at Aga, kung saan magka-holding hands pa ang dalawa. 

“Layag na layag,” ani Viy sa kaniyang Facebook post na sa kasalukuyan ay umani na ng 64,000 reactions online. 

Sumugod naman sa comment section ang ilang Team Payaman members na hindi na rin napigilang kiligin sa tambalang #PatAga.

“LAKAS MO AGA!!!!” ani Pat Velasquez-Gaspar

“Grabe yung holding hands keleeegg,” dagdag pa ni Cyrill Factor – isa sa mga video editors ni Viy. 

“Grabe yung lock ng mga kamay,” biro naman ng Team Payaman TikTok star na si Kevin Hufana.

Samantala, aprubado naman ang nasabing larawan sa ina ni Aga na si Carmina Marasigan, a.k.a Ate Acar, na siya ring ninang at nag-aalaga sa unico hijo nina Cong at Viy na si Kidlat. 

“Eyyy love it!” kumento nito. 

Umani rin ang nasabing larawang ng samu’t saring kumento mula sa netizens:

Anne Caandoy: “OMG KAYO! Huling kinilig ako ng ganto sa aldub pa, PAG ETO ENDE UMABOT NG PHILIPPINE ARENA charot!”

Jhe Ska: “Lock na lock yung kamay jusko yung kilig ko habang nagluluto napadami tuloy yung asin!”

Rocel D Andrade Obuyes: “Seryuso na ba to???? PatAga ang cute ni aga! Mas cute pa sya sa asawa ko”

#PatAga

Nagsimula ang tambalang PatAga sa mga vlogs ni Cong TV. Ito ay matapos aminin ng video editos na si Aga na may gusto siya sa executive assistant ni Viviys na si Patricia Pabingwit. 

Inamin din ni Aga na hindi pa man siya miyembro ng Team Payaman ay talagang crush na niya si Pat dahil madalas itong makita sa mga vlogs ng grupo. 

Simula noon ay naging tampulan ng tukso sina Pat at Aga sa Congpound at maging ang mga netizens ay kinilig na rin sa tambalan ng dalawa. 

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

3 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

5 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

5 days ago

This website uses cookies.