Taas ang turtleneck ng mga taga-subaybay ng Anti-Higad Squad sa livestream serye ni Viviys! Ngunit bago ang lahat, kilalanin muna natin ang mga miyembro ng bagong sinusubaybayang grupo sa Team Payaman.
Sa isang getting-to-know portion sa kanyang YouTube livestream, ipinakilala ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga miyembro ng Anti-Higad Squad para sa mga curious netizens.
Unang ipinakilala ang isa sa apat na video editors ni Viviys na si Cyrill Factor. Kwento ni Cyrill na noong taong 2021 habang itinatayo pa lang ni Viy ang negosyong TeaTalk by Viyline, nag-abot siya ng maliit na papel dito upang mag-apply.
Paglipas ng araw, nakipag-ugnayan daw sa kanya si Carlos Magnata, a.k.a. Bok, upang kuhanin siya bilang video editor. Matapos naman ang halos dalawang buwan kay Bok ay kinuha rin siyang editor ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a. Dudut Lang.
Noong nagkaroon ng bagong video editor si Dudut ay ipinaalam naman siya na kukunin para sa Team Viviys.
Ang mag-asawang Gabby at Carlo Santos ay dalawa sa bumubuo ng pangmalakasang video editors ng Team Viviys.
Kwento ni Carlo, parehas silang galing sa Team Zebby na pinamumunuan ng kapwa content creator at Team Payaman friend ni Viviys na si Zeinab Harake.
Noong nagpahinga ang dalawa sa pagiging editor ni Zeinab ay nagkaroon ng oportunidad si Gabby na magtrabaho kay Viy, kung saan tumagal siya ng halos isang buwan bago magkaroon ng anak.
Habang pinagbubuntis ni Gabby ang kanilang panganay ay pinaltan muna siya ni Carlo. Kwento nila, dumaan din si Gabby bilang video editor ng Team Payaman in-laws ni Viviys na sina Pat Velasquez-Gaspar at Vien Iligan Velasquez.
Samantala, sa kasalukuyan ay mag-aapat na taon na si Carlo bilang video editor ng mga YouTube vlogs ni Viy.
Hindi rin mawawala sa Anti-Higad Squad ang mga dakilang driver ni Viviys na sina Kuya Jonas at Kuya Glenn. Kwento ni Viy, si Kuya Jonas ay dating company driver sa kaniyang kumpanyang Viyline Group of Companies at kinuha ito bilang kanyang personal driver kalaunan. Samantala, kasalukuyang bodyguard naman niya si Kuya Glenn mula sa isang security agency na rekomendasyon ng kaniyang executive assistant na si Pat Pabingwit.
Isa rin sa hindi mawawalang miyembro ng Anti-Higad Squad ay si Carmina Marasigan, a.k.a. Ate Acar na katuwang ni Viviys sa pag-aalaga sa unico hijo niyang si Kidlat. Si Ate Acar ay tiyahin ng isa pang Team Payaman member na si Mau Anlacan.
Isa rin sa tinalakay sa livestream ay ang tambalan na #PatAga na binubuo ng video editor ni Cong TV na si Agabus Maza at Patricia Pabingwit.
Kwento nila Viviys, hindi pa man naghahanap ng video editor si Cong ay ipinagmamalaki na ni Ate Acar ang kanyang talentadong anak na si Aga.
Samantala, si Pat naman ay kaklase at malapit na kaibigan ni Viviys noong high school. Nagtapos sa kursong Business Management, ipinagmalaki ni Pat sa isang lasing na kwentuhan ang mga kaya niyang gawin pagdating sa pagbabasa ng mga kontrata na ikinabilib naman ni Viviys. Kung kaya’t mula noon hanggang ngayon ay siya na ang tumatayong executive assistant nito.
Hindi naman pinalampas ng Anti-Higad Squad na i-hot seat ang dalawa patungkol sa kanilang first impression sa isa’t isa.
Manatili lamang nakatutok sa AHS Facebook group at YouTube channel ni Viviys para sa mga susunod na kaganapan sa livestream serye ng Anti-Higad Squad!
Sa likod ng mga nakakatuwang contents ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada, ay ang…
Now that the summer season is just around the corner, applying sunscreen is something that…
Bukod sa pagiging hands-on na ina at asawa, isa ring content creator at business owner…
Unending cuteness ang hatid ng Team Payaman mother-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez at…
Isa sa mga pinagkakaabalahan ng Billionaire Gang member na si Carlyn Ocampo at asawa nitong…
DJI Philippines x SkyPixel Academy recently concluded its 2-day Professional Drone Training with VIYLine Group…
This website uses cookies.