Kevin Hermosada’s Money-Making Journey: From Zero to a Heartwarming Gesture

Sa nakaraang YouTube vlog ni Kevin Hermosada, ipinasilip niya ang kaniyang sipag at tiyaga sa pag-abot ng layuning makalikom ng 40,000 pesos sa loob ng dalawang araw para sa isang home “essential” na air conditioner.

Mula sa paghahanap ng trabaho hanggang sa pagiging sari-sari store seller, nakalikom siya ng 900 pesos sa loob ng dalawang araw.

Dedication and effort

Sa bagong vlog ni Kevin, ipinakita niya ang iba pang diskarte upang maabot ang kaniyang “main goal” na 40,000 pesos. Sinubukan niya ang iba’t ibang diskarte tulad ng pangingisda at umaasang makakamtan ang malaking kita mula rito.

“From Zero to naghanap ng trabaho at natanggap sa trabaho. Sumubok akong maghanap ng trabaho dito sa Burgos, Ilocos Norte, kung saan konti ang tao at maranasan ang pagtatrabaho sa lugar na ito,” ani Kevin.

“Sinubukan ko rin ang ibang trabaho para kumita ng malaki, tulad ng fishing,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng kaniyang pagsisikap sa pangingisda, hindi umabot sa inaasahan ang mga nahuli, at hindi sapat ito para ibenta.

New strategy

Hindi nagpatinag si Kevin at muling nagsimulang mag-eksperimento ng bagong diskarte. Gamit ang panimulang kita, ipinagpatuloy niya ang pagbebenta ng sari-sari goods. Sa loob ng apat na araw, nakalikom si Kevin Hermosada ng ₱1,508.

Plot twist

Sa Day 5, tampok sa vlog ang kaniyang “real mission.” Ibinunyag ni Kevin ang isang kakaibang plot twist: ang nalikom niyang pera, na bunga ng kanyang pagod, tiyaga, at diskarte, ay ibinigay niya sa may-ari ng sari-sari store na si Ate Josie bilang pasasalamat sa suporta at pagkakataong ibinigay.

Bagamat hindi niya naabot ang target na ₱40,000, nakamit naman niya ang isang di-pangkaraniwang uri ng tagumpay.

Ang ginawa ni Kevin ay nagbigay inspirasyon sa marami, na sa kabila ng mga pagsubok at pagkukulang, ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa pera kundi sa kabutihang loob at pagsisikap. 

Watch the full vlog here: 

Angel Asay

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.