Cong TV and Malupiton Respond to Netizens’ Request For Them to Collaborate in One Content

Noon pa man ay kaliwa’t-kanan na ang hiling ng netizens na magsama sa isang vlog ang mga batikang content creator na sina Cong TV at Malupiton. Matutupad na kaya ang collaboration na inaabangan ng kanilang fans?

Cong TV x Malupiton

Sa isa sa kaniyang mga livestream episode sa YouTube, sinagot ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang hirit ng mga netizen na magcollab sila ng TikToker na si Joel Ravanera, a.k.a Malupiton.

Si Malupiton ay kabilang din sa grupo ng mga content creators na Kolokoys TV na minsan ng nakasama ng Team Payaman sa nagdaang Team Payaman Fair noong December 2023. 

Pero para kay Cong, tila mahirap ka-collab ang nasabing content creator dahil sa galing nitong magpatawa. Baka hindi aniya siya makasabay sa mga ad-lib nito. 

Inamin din ng legendary YouTube vlogger na isa si Malupiton sa mga pinapanood niya dahil tuwang tuwa siya rito. 

“Nakakatawa talaga si Malupiton, sila nila Dominic, mga tropa niya. Sa mga hindi pa nakakanood sa kaniya, panoorin niyo… sobrang laughtrip ng grupong ‘yan.”

Napanood naman ni Malupiton ang nasabing video at inaming halos maiyak siya sa tuwa sa sinabi ni Cong TV sa kaniya at sa kanilang grupo. 

“Alam mo yung nakangiti ka tapos umiiyak ka? Para kang nanalo ng gold medalist, ganun ang pakiramdam,” ani Malupiton sa isang TikTok video.

“Noong napanood ko ‘yun, umiyak ako… umiyak talaga ko, parang hindi ko namalayan na tumulo yung luha ko. Parang na-feel ko na okay pala yung ginagawa namin, nakakapagpasaya kami, may nakaka-appreciate ng ginagawa namin, may natutuwa, name-mention pa kami ni Boss Cong,” dagdag pa nito. 

Collab?

Ayon kay Joel Ravanera, ni minsan ay hindi niya tinangka na yayain si Cong TV para mag collab dahil nahihiya aniya siya rito. Pero hindi rin naman siya tatanggi kung sakaling ang idolo na mismo ang lumapit sa kaniya. 

“Gusto ko yung panahon mismo ang mag-aadya na magsama kami, hindi ko siya minamadali,” dagdag pa nito. 

Samantala, tila dininig naman ng langit ang hiling ng netizens dahil kamakailan lang sa kaniyang livestream ay tinawagan ni Cong TV si Malupiton ay niyaya itong sumama sa isa sa kanilang mga lives episodes. 

Bilang parte ng misyon ni Cong TV na hanapan ng katambal ang kaniyang kaibigan at kapwa Team Payaman member na si Carlos Magnata, a.k.a Bok, niyaya nito si Malupiton na tulungan silang maghanap ng posibleng makapareha ni Bok. 

“Baka pwede tayong mag-set, may araw na pwede kang sumama sa’min, para mapakilala mo kami kung sino man dyan, baka lang may kilala ka!” ani Cong. 

Kaya naman manatiling nakatutok sa YouTube channel ni Cong TV at abangan ang kaniyang mga livestream. 

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

16 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.