Four Things That Made Viy, Vien, and Pat’s Relationship the Ultimate Friendship Goal

Walang duda na ang samahan ng OG Team Payaman girls na sina Viy Cortez-Velasquez, Pat Velasquez-Gaspar, at Vien Iligan-Velasquez ay tunay na kahanga-hanga! 

Narito ang ilang dahilan kung bakit ang kanilang pagkakaibigan ay maituturing na ultimate friendship goal.

The ability to adjust and understand each other

Sa mahaba-habang kwentuhan ng Team Payaman mommies sa “OFFBEAT EP1” ni Viy Cortez-Velasquez, tinalakay nila na isa sa mga pinakamagandang aspeto ng kanilang pagkakaibigan ay ang kanilang kakayahang mag-adjust para sa isa’t isa. 

“Ang gusto ko sating tatlo, marunong mag-adjust. Like, kunyari… ayaw nitong isa, ‘oh sige, gan’to na lang,’ magmi-meet kami halfway,” ani Mommy Pat.

Genuine support

Nilinaw rin nila sa fans na ang kanilang pagkakaibigan ay puno ng suporta at walang lugar para sa inggit. Ang tunay na kasiyahan anila sa tagumpay ng isa’t isa ay isa sa mga sikreto ng kanilang matibay na samahan.

“Nakakalimutan nila na hindi tayo magkakaibigan lang; pamilya tayo. Kung anong meron yung isa, meron ang lahat,” ani Viy. 

Maliban sa pag-iintindi at suporta sa isa’t isa, ibinahagi rin nila ang kahandaan na magbigay ng suporta sa kanilang mga pamangkin.

“Kung kailangan niyo ‘ko sa point na ‘paaralin mo anak ko…’ kaya kong ibigay ‘yun sa inyo. Kahit igapang ko siya,” ani Viy.

Sinabi rin ni Mommy Vien na kaya niyang magpakananay kay Kidlat at Isla kung kakailanganin.

True love and sacrifice

Gayunpaman, binigyang-diin din ng Team Payaman mommies kung gaano nila kayang magsakripisyo para sa bawat isa. 

“Mahal na mahal kita, more than pa sa iniisip mong pagmamahal; ganun kita kamahal. Talagang kaya kong i-sacrifice ang aking life for you,” ani Pat kay Viy.

Ayon naman kay Viviys, kaya niyang ibigay at gawin lahat para kay Vien at Pat hangga’t sa kaniyang makakaya. 

“Lahat ng ire-request niyo sa ‘kin, kung kaya kong gawin, gagawin ko talaga kasi ganun kayo kahalaga sa akin.”

Open communication

Isa rin sa nagpapatibay sa kanilang pagkakaibigan ay ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at pagtanggap.

“Sobrang thankful ako na nandiyan ka lagi sa garahe niyo… na kapag kailangan ko ng kausap ay nandiyan ka,” pabirong pasasalamat naman ni Viy kay Vien.

Sinang-ayunan naman ito ni Pat at sinabing si Vien din ang kaniyang go-to person sa tuwing kailangan niya ng kausap. 

“Hindi ako mahihiyang mag-open up talaga sa inyo kahit ano pa ‘yan.” dagdag pa ni Viy.

“Pasalamat talaga ako na dumating kayo ni Pat sa buhay ko. Kasi, talagang bihira na makatagpo ng kaibigan at pamilya na katulad ninyo,” pagpapasalamat naman ni Vien.

Sa YouTube episode na ito, hindi pinalampas ng tatlo ang pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal at suporta nila sa bawat isa. Sana all!

Watch the full video here:

Angel Asay

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

6 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

9 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.