Team Payaman Girls Bravely Debunk ‘Comparison Issues’

Sa mundo ng social media, hindi maiiwasang maipagkumpara ang iba’t-ibang personalidad, partikular na sa grupo ng Team Payaman.

Matapang na hinarap nina Viy Cortez-Velasquez, Vien Iligan-Velasquez, at Pat Velasquez-Gaspar ang usapin patungkol sa pagkukumpara sa mga ito.

Comparison Issues

Sa unang episode ng Offbeat ng Team Payaman vlooger na si Viy Cortez-Velasquez, isa ang usaping “kumparahan” sa mga nabigyan nila ng pansin.

“Marami ang nagco-compare sa atin sa social media… sa pagiging magulang, sa lifestyle, pagiging asawa, looks, lahat nacocompare tayo,” bungad ni Viviys.

Dahil isa ito sa mga patuloy na nababasa ng tatlo online,  hiningi ni Viy ang mga komento ng kanyang kapwa Team Payaman members.

Maintaining a Healthy Relationship

Agad na nilinaw ng maybahay ni Junnie Boy na si Vien Iligan-Velasquez na walang katotohanang mayroong isyu ang bawat miyembro ng Team Payaman sa isa’t-isa.

“Guys sa totoo lang, para sabihin ko sa inyo, never pa kami nag-away. Mine-maintain din kasi namin ‘yung friendship namin na pangmatagalan,” dagdag ni Viy.

Ibinida rin ni Pat Velasquez-Gaspar na kailanma’y hindi nawawala ang pag-adjust at pagrespeto sa isa’t-isa.

“Nagmi-meet kami halfway. Hindi ‘yung kung ano ang gusto ng isa [‘yun ang susundin]. Kami, alam namin ‘yung boundaries ng isa’t-isa” ani Pat.

Dagdag pa ni Pat, kapatid na rin ang turing niya sa kanyang mga hipag, dahilan upang hindi mamuo ang inggit o sama ng loob. Aniya, nagsisilbing inspirasyon sina Vien at Viy para sa kanya bilang kanyang mga “ate.”

Toxic Comments

Hindi rin maipagkakaila na madalas makatanggap ng mga negatibong komento si Viy pagdating sa kanyang mga hitsura at pagiging isang content creator.

“Masakit ho sa akin na may nasasabi kayo kay Viy kasi ‘di talaga okay ‘yon. Sa sobrang inis ko, ayokong nakakakita ng mga panlalait kay Viy,” ani ni Vien.

“Sabihin n’yo kung ano ‘yung gusto n’yong sabihin, basta kami, alam namin ‘yung totoo!” dagdag ni Pat.

Para naman kay Viy, “Hindi kami naapektuhan sa mga ganyan dahil alam namin kung anong buhay ang mayroon kami.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.