Team Payaman Mommies Share Parenting Tips in New Video Podcast

Para sa unang bahagi ng pinakabagong video podcast series ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang YouTube channel, inimbitahan niya ang kanyang Team Payaman in-laws na sina Vien Iligan-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar

Maliban sa kwentuhan tungkol sa buhay may asawa, pagiging content creator, at mga pangarap na gusto pa nilang abutin, isa sa paksang tinalakay nila ay ang kanilang pagiging isang ina. 

Alamin kung paano nga ba dinidisiplina at pinapalaking mabuti ng mga Team Payaman mommies ang paborito nating mga Team Payaman kids!

Dealing with consequences

Isa sa napagkwentuhan ng Team Payaman mommies ay ang istorya kung paano minsang dinisiplina ni Vien ang kanyang panganay na si Mavi noong nalamang nasasaktan nito ang kanyang kapatid at pinsan habang naglalaro. 

Kwento ni Vien na habang tumatanda na si Mavi ay iniiwasan nilang mag-asawa ang pamamalo sa anak bilang disiplina. Bagkus ay ipinapaliwanag nila nang maayos ang maling aksyon ng anak at maaaring maging resulta nito na siyang hinangaan naman ng mga netizens. 

“‘Yung way of discipline nila Vien is very realistic. Pinapakita nila ang consequence ng action as an adult, and not just a kid,” komento ng isang netizen. 

Iba na kasi ang era ngayon, ‘yung mga nagwork sa era natin nung mga panahon natin, hindi na siya nagwo-work ngayon sa mga anak natin,” ani Pat.

Dagdag na paliwanag din ni Mommy Pat na habang lumalaki ang kanyang 1-year-old unico hijo na si Isla ay nagiging mas maingat silang mag-asawa sa mga binibitawang salita at pinapakitang aksyon sa loob ng bahay sapagkat ito ang kinagigisnan at maaaring gayahin ng kanilang anak.

Samantala, para naman kay Mommy Viy ay trial and error ang pagiging isang magulang kung kaya hindi siya nahihiya sa paghingi ng tulong sa mga kapwa niyang magulang. 

Walang ibang taong pwedeng magsabi kung tama o mali ang ginagawa mo, tanging ikaw lang. Kasi iba-iba tayo at iba-iba rin ang mga anak natin,” ani Viy.

Dealing with curiosity

Isa rin sa naibahagi ni Vien ay ang pagtugon nilang mag-asawa sa lumalawak na curiosity ng anak na si Mavi patungkol sa iba’t ibang bagay.

Kwento niya ay minsang tinanong ni Mavi kung bakit nga ba alam ng mga matatanda lahat ng sagot, kung saan sinagot naman niya ito ng “Ganyan din kami noong bata, lahat ng tanong mo sa amin, tinanong din namin sa mga magulang namin tapos naranasan namin.”

Binigyang-diin nila ang importansiya ng pagsagot nang tama sa mga katanungan mula pa lang sa bahay upang ito ang paniwalaan at hindi na para magtanong pa sa iba.

Kailangan ang tatay, kayang sagutin lahat ng curiosity ng anak, para hindi siya magtatanong sa iba. Dapat ‘yung anak mo, sa loob pa lang ng bahay, kung ano ‘yung mga tanong niya, masasagot ng ama.”

Watch the full video here:

Alex Buendia

Recent Posts

Team Payaman’s JM Macariola Reveals New Look in Cong TV’s Latest Vlog

Matapos mabiktima ng prank sa nakaraang vlog, seryoso na ngang sumailalim si Coach JM sa…

11 hours ago

All-Star Games 2025: The Rematch Between Team Anbilibabol and Team Star Magic

Nag-alab ang excitement noong Linggo, July 20, sa nagdaang Star Magic All-Star Games 2025 nang…

16 hours ago

Cong TV Reveals His Anbilibabol Team’s Official Jersey

Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…

4 days ago

Makeup Looks We’re Stealing from Vien Iligan-Velasquez

It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Barbie Imperial to a Cook-Off

Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gears Up for Her Next-Level Vlog Releases

Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda…

5 days ago

This website uses cookies.