Team Payaman Girls Candidly Talk About Married Life, Finances, Sex Life, and Everything in Between

Isang masayang kwentuhan ang hatid sa atin ngayon ng OG Team Payaman Girls na sina Viy Cortez-Velasquez, Vien Iligan-Velasquez, at Pat Velasquez-Gaspar. 

Sa bagong podcast-style episode sa YouTube channel ni Viviys, matapang na pinagusapan ng tatlo ang kani-kanilang buhay may asawa, buhay nanay, at sinagot din ang mga isyung binabato sa kanila sa social media. 

Level of Love

Unang tinalakay ng Team Payaman Girls ang pagbabago sa kanilang mga buhay ngayon na kasal na sila at may sari-sariling pamilya. 

Ayon kay Vien, wala naman masyadong nagbago sa relasyon nila ng asawang si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy. Higit dalawang taon nang kasal sina Junnie at Vien at ngayon ay may dalawang anak na sina Mavi at Viela. 

Ayon naman kay Pat Velasquez-Gaspar, mas naramdaman niya ang pagmamahal ng asawang si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, ngayon na mayroon na silang anak. 

Inamin naman ni Viy na nabawasan ang pag-aasikaso niya sa asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ngunit sinusubukan aniya niyang bumawi rito paminsan minsan. 

Quality time

Ibinagi rin nina Viy, Vien, at Pat na napagtanto nila ang kahalagahan ng quality time kasama ang kanilang mga asawa kahit pa may anak na sila. 

“Actually ang mga asawa natin gusto talaga tayong masolo, pero ngayong may mga anak na tayo, parang tina-timing nila,” ani Vien. 

Kwento naman ni Viy: “Sobrang na-enjoy namin ‘yon [Japan honeymoon], kaya sabi ni Cong gawin namin twice sa isang taon or every anniversary.” 

Finances

Samantala, hindi rin pinalampas ng Team Payaman Girls ang pagkakataon na pag usapan ang budget set-up ng kanilang pamilya.  

Kwento ni Pat, natutunan niya kay Viy na dapat hiwalay ang personal savings ng mag-asawa, ngunit mayroon din silang joint account na nakalaan para sa mga gastusin sa bahay. 

Nilinaw din ng mga misis na pagdating sa kanilang mga bakasyon sa loob at labas ng bansa, hati sila sa gastos ng kanilang mga mister.

Para naman kay Viy, mahalaga na bilang babae ay nabibigyan pa rin sila ng pagkakataon na mag ambag sa budget ng pamilya dahil natututo silang mag pursige sa buhay. 

“Ang ganda rin nung ganon na 50-50, para yung career mo ‘wag mong papabayaan, para maka-ambag ka nung 50 [percent]. Kasi kapag inako ni Cong lahat, baka maging tamad na ko, baka hindi na ako para may gawin pa sa career ko kasi kaya naman niya pala akong sagutin eh!” ani Viy.

Dagdag pa ni Pat: “Ang sarap sa feeling nung nagtutulungan, na team kayo. Mafi-feel na hindi ka nag-iisa ka sa laban ng buhay.”

Sexy time

Matapang ding tinalakay ng Team Payaman mommas ang estado ng kanilang sex life. 

Ayon kay Pat na higit isang taon na nang ipanganak ang panganay na si Baby Isla, bagamat naibibigay naman niya ang pangangailangan ng mister, madalas wala siya sa mood dahil hindi pa fully recovered ang kaniyang sex drive matapos manganak. 

Samantala, dahil nasa honeymoon stage matapos ikasal noong Hunyo, inamin ni Viviys na active ang kanilang sex life ngayon ni Cong. 

“Since honeymoon stage kami, talagang bakbakan. Nakikiusap na siyang tama na,” biro pa nito. 

Para naman kay Vien, nagiging maingat sila ni Junnie Boy lalo ngayon na mayroon na silang dalawang anak. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

1 day ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

1 day ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

2 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

2 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

3 days ago

Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract…

3 days ago

This website uses cookies.