Proud Momma Moment: 4 Times Vien Iligan-Velasquez Flexed Mavi and Viela’s Achievements

Kung mayroon mang maipagmamalaki ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez, ‘yun ay ang mga tagumpay at talento ng kanyang mga anak.

Alamin ang apat sa napakaraming beses na proud mom moments ni Mommy Vien sa mga nakamit nina Kuya Mavi at Alona Viela.

Mavi for Downy Philippines

Sa kauna-unahang pagkakataon, naging parte ng isang TV Commercial ng Downy Philippines ang panganay nina Vien at Marlon Veleasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, na si Von Maverick Iligan Velasquez o mas kilala bilang Mavi.

Dala ng pagkagalak, hindi napigilan ng proud mommy na si Vien na ipagmalaki ang kanyang panganay na matagumpay na naisagawa ang kanyang unang endorsement.

“PROUD MAMA HERE!!! NAIIYAK AKO SA TUWA. Mavi’s First Commercial,” pagbabahagi ng proud momma sa isang Facebook post.

Mavi for Moose Gear

Wala pang ilang buwan ay nasundan na ang unang endorsement ni Mavi kasama ang nakababatang pinsan nitong si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat para sa Moose Gear.

Kamakailan kang ay ibinahagi ni Vien sa kanyang Facebook account ang tagpo matapos masilayan sa kauna-unahang pagkakataon ang litrato ni Mavi sa loob ng isang mall.

“Proud mama! Ang galing mo Kuya Mavi. Thank you Moose Gear!” kwento nito.

“Aw, this is so sweet! We’re so proud of you, Mavi! Thanks a lot for bringing some sunshine to Moose Gear Kids and for dropping by one of our stores!” sagot naman ng Moose Gear.

Viela’s Budot Dance

Samantala, kamakailan lang ay ibinahagi naman ng 27-anyos na Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang kanyang bonding moment kasama ang bunso na si Alona Viela Velasquez. 

Umani ng mahigit sa 100,000 reacts ang budot dance entry ni Viela kasama ang kanyang Mommy Vien, na s’ya ring ikinatuwa ng mga manonood.

“Baby budots” ani Vien sa isang Facebook post

Fe Juangco-Iligan: “Love you viela graceful ka sumayaw!”

Gie Cortez: “May pinagmanahan si Vielaboo galing sumayaw!” 

Maki Bndc: “HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHA JUSKO ANG CUTE”

Komento ng ilang netizens.

Grocery Shopping with Mommy

Sa isa ring Facebook post, hindi napigilang maging emosyonal ni Mommy Vien matapos itong samahan ng kanyang unica hija na mamili sa isang grocery store.

Muli nitong binalikan ang mga pagkakataong si Kuya Mavi ang kanyang kasama sa pamimili noong maliit pa ito.

“Dati si kuya Mavi lang kasama ko mag grocery, ngayon ikaw na. Yung kuya mo nag bibinata na hindi na kasi ako mahilig lumabas mas gusto niya nalang mag ps5,” kwento nito.

Dagdag pa ni Vien, “Dahan dahan lang sa paglaki mga anak ko.”

Yenny Certeza

Recent Posts

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

7 hours ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

11 hours ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

1 day ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

1 day ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

2 days ago

Zeinab Stuns At The Bench Body of Work Fashion Show

Muling nagbabalik sa runway ang isa sa mga kilalang clothing brand sa bansa, ang “Bench…

2 days ago

This website uses cookies.