Netizens Applaud Viy Cortez-Velasquez For Promoting a Secured Future Through Insurance

Bukod sa kanyang mga kwelang content sa TikTok at YouTube, isa rin ang pagiging responsable at financially secured ang hinangaan ng netizens kay Viy Cortez-Velasquez.

Alamin kung bakit nga ba mahalaga ang pagkakaroon ng insurance at kung bakit isa ito sa mga paunti-unting pinupundar ng naturang batikang Team Payaman vlogger.

Secured Future

Sa isa sa mga Facebook post ni Viy Cortez-Velasquez, masaya nitong ibinahagi ang kanyang pamumuhunan sa insurance policy para sa kanyang pamilya.

“Pang 9 ko na ‘to na policy, mas maganda kumuha habang bata pa, wala ka pang sakit, mas mura at mas malaki ang coverage,” aniya.

Noon pa man ay naniniwala na ang vlogger at business owner na malaki ang maitutulong ng insurance pagdating sa kalusugan at kaligtasan ng kanyang pamilya.

Bata pa man ay nagsimula nang mamuhunan si Viy sa kanyang sariling insurance policy, na hanggang ngayon ay kanyang napapakinabangan.

“Mga insurance na kinukuha ko need ko magpa-medical, kaya habang bata pako wala pa makikita nagkukuha nako. Pero kapag mas maliit naman ang kukunin mo NO need ng medical,” paliwanag pa nito.

Pagbabahagi pa ng 28-anyos na vlogger, hindi lamang ang policyholder ang makikinabang sa benepisyo ng insurance kundi pati na rin ang iyong napiling benepisyaryo gaya ng pamilya.

“Open lang talaga ako about insurance. Pero totoo na ang ibang insurance ‘di mo mapapakinabangan habang buhay ka pa. Talagang asawa at anak mo makikinabang.”

Dagdag pa nito: “May insurance naman na ikaw ang makikinabang yung with investment, minsan sa bank. Nakikipag usap talaga ako sa mga nag aalok kahit ‘di ako kukuna hahahaha para lang maintindihan ko.”

Upang mas lalong maintidihan ng kanyang mga followers ang lohika ng pagkakaroon ng insurance policy habang bata pa, isang sample computation ang ibinahagi ni Viviys.

“Bigyan ko kayo sample ako 28. Ang babayaran ko 1 peso coverage 1k, si Cong na 32 yrs old 10 peso na para sa coverage na 1k. So habang bata mas mura talaga” aniya.

A Responsible Mom

Sa kabila ng kanyang inisyatibong magbigay ng kaalaman pagdating sa pagkakaroon ng insurance, maraming netizens, maging mga financial consultants ang humanga kay Viy sa mahusay na paggamit ng kanyang plataporma. 

Matapos ibahagi ang kanyang kaalaman, inulan ng mga positibong komento ang naturang Facebook post ni Viy.

Eastwest Ageas Insurance: “We are grateful for the opportunity to secure you and your family, Viy Cortez-Velasquez. We know that in the future, Kidlat will be proud of his mom and dad for building a better tomorrow for him!”

Da Ya: “Very important po talaga kasi yong insurance… we don’t have cars but me and my husband have 7 insurance tas ang dalawa nyan is educational plan. Salamat po sa pag share Mrs. Viy Cortez-Velasquez.”

Jea Baliton Cequena: “YEYY GALING NIYO MS Viy Cortez-Velasquez! THANK YOU PO SA PAGHELP SA PAG SPREAD NG VALUE NG INSURANCES!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

19 hours ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

20 hours ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

Cortez Family Joins “Pagsinta kay Maria” at Sto. Niño de Cebu Parish, Biñan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…

4 days ago

This website uses cookies.