ICYMI: Viy Cortez-Velasquez Shares Real-Time Live Updates on this Official Facebook Group

Anti-Higad Squad, mag-ingay! Isa ka rin ba sa mga tagasubaybay sa mga YouTube livestream ng Team Payaman member na si Viy Cortez-Velasquez?

Alam mo bang mayroon nang opisyal na grupo ang kanyang Anti-Higad Squad para sa masayang kwentuhan at real time updates? Kung hindi ka pa updated, sagot na namin ang quick recap mo!

The Higad Incident

Matapos simulan ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang kanyang livestreaming serye sa Japan, sinimulan na rin ng misis nitong si Viy Cortez-Velasquez ang kaniyang live stream era kasama ang House G gang.

Dala ng kanyang kagustuhang maibahagi ang ilan sa mga tagpo sa kanyang pang araw-araw na buhay, ibinahagi ni Viy sa kanyang mga tagasunod ang ilang mga kaganapan na kadalasan ay hindi nakikita sa kaniyang vlog.

Tatlong araw ang nakalipas matapos simulan ni Viy ang kanyang live serye sa kanyang YouTube channel ay talaga namang marami ang naaliw dito.

Sa unang episode palang ay nabalot na ng katatawanan ang mga pangyayari dala ng hindi inaasahang insidente sa loob ng isang convenience store.

Habang patuloy na naglalakad ang Team House G, hindi nila napansin ang pagdikit ng isang higad sa damit ni Viviys, dahilan upang maipasok pa ito sa loob ng convenience store.

Ilang minuto ang lumipas ay napansin na ito ni Viviys dahilan upang mataranta ito at maipasa ang insekto sa sekretarya nitong si Pat Pabingwit.

Anti-Higad Squad

Matapos maraming makapanood ng nakakatuwang karanasan nina Viviys sa kanyang unang live stream episode, marami ang nakakarelate sa kanyang mga ibinahaging Facebook post.

“L Higad. Sa mga nakakaalam. Alam nyo ‘yan, hayaan nyo sila mag isip sa higad na yan 🤘!” ani Viy.

Ilang araw ang nakalipas, napag-isipan ng 28-anyos na vlogger na bumuo ng sariling Facebook group para sa kanyang tinatawag na “Anti-Higad Squad” o AHS.

“Bago palang tayo wala pa pangalan. Kanya kanya muna ng isip ano ang AHS HAHAHAHAHA” ani Viy sa kanyang official group post.

Bukod sa mga kaganapan sa kanyang unang live, laman din ng nasabing Facebook group ang ilan sa mga real time updates kay Viy, at oras ng kanyang susunod na live stream episode.

Ang bawat miyembro ay mayroon ring pagkakataon na makapag-post ng mga memes, jokes, at mga sentimento patungkol sa mga kaganapan sa mga livestream ni Viviys.

Para sa mga nais sumali at maging updated sa Anti-Higad Squad, ‘wag nang magdalawang isip na sumali sa AHS Official Facebook group!

Watch the live stream here:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

7 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.