Team Payaman’s Kevin Hermosada Starts Money-Making Mission in New Vlog

Bawat tao ay may iba’t ibang pangangailangan o essential needs. Sa panahon ngayon, talaga namang nangunguna sa essential list ng karamihan sa  mga Pilipino ang aircon dahil sa mainit na klima ng bansa.

Katulad na lang ng mag-asawang si Kevin at Abigail Hermosada, mahalaga rin ang pagkakaroon ng air conditioner sa kanilang bagong tahanan. 

The mission

Sa kaniyang bagong vlog, ipinamalas ni Kevin Hermosada ang kaniyang pinakabago at chellenging na misyon – ang makalikom ng 40,000 pesos sa loob ng limang araw nang walang panimulang budget. 

Sabay-sabay nating tunghayan kung paano ang naging diskarte ni Kevin para mapagtagumpayan ito.

Ipinakilala ni Kevin ang tatlong pangunahing misyon para makamit ang kanyang layunin:

  • Mission 1: Hanapin ang isang trabaho at simulan ang zero-budget approach.
  • Mission 2: Mag-ipon ng 30,000 hanggang 40,000 pesos
  • Mission 3: Bumili ng isang ‘essential’ aircon.

Job-hunting journey

Naglakbay si Kevin sa Ilocos Norte, mula sa bayan ng Burgos hanggang Bangui, sa kanyang paghahanap ng trabaho. Sinimulan niya ang kanyang misyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga tindahan, construction sites, at gasolinahan. 

Habang patuloy ang kanyang paglalakbay, napag-isipan ni Kevin na idagdag ang mga side missions upang maging mas epektibo sa kanyang zero-budget approach:

  • Uminom ng tubig nang walang gastos.
  • Kumain ng pagkain nang walang gastos.
  • Maglakbay papuntang Bangui.

Sa kabila ng pagkamit ng kanyang side missions, hindi pa rin nahanap ni Kevin ang trabaho sa kanyang itinakdang oras. Nagdesisyon siyang umuwi ngunit hindi siya sumuko. Natiyempuhan niya ang isang maliit na tindahan malapit sa kanilang bahay at nakapasok siya bilang sari-sari store vendor. 

Earnings and Reflection

Sa kanyang bagong trabaho, matiyaga niyang inilako ang mga paninda sa mga kalapit na lugar. Nagtagumpay siyang kumita ng higit 900 pesos at sumahod ng 250 pesos sa isang araw.

“Nakakapagod talaga itong araw na ’to, pero sobra akong nag-enjoy. Feeling ko, may na-unlock sa pagkatao ko. Ganun talaga ‘pag may sinusubukan kang bago,” ani Kev.

Hinangaan naman ng netizens ang bagong atake ng vlog ni Kevin Hermosada.

“I really enjoyed this. It is inspiring. I can’t wait for the 2nd part,” komento ng isang fan. 

“Im loving this new kind of content, Boss!!” dagdag pa ng isa. 

Paghanga naman ng isang netizen sa misis ni Kevin: “You got a very supportive wife.  Kahit tirik [ang] araw sasama sayo.”

Samantala, ipinasilip din ni Kevin ang part 2 ng kaniyang money-making missin, kung saan pangingisda naman ang sinubukan nito. Ano kaya ang mga susunod na hakbang sa kanyang misyon? Abangan natin!

Watch the full vlog here: 

Angel Asay

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.