Team Payaman’s Viy, Vien, and Pat to Break Silence on Social Media Issues Against Them

Isang nakaka-intrigang episode ng bagong vlog ni Viy Cortez-Velasquez ang tiyak na aabangan na naman ng netizens ngayon gabi. Dahil babasagin na ng Team Payaman girls ang kanilang katahimikan sa iba’t ibang issue na ibinabato sa kanila sa social media. 

Sa isang YouTube video, ipinasilip ng 28-anyos na vlogger at entrepreneur ang kaniyang naging heart-to-heart talk kasama ang mga sisters-in-law at kapwa Team Payaman members na sina Vien Iligan-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar.  

Who is Team Payaman?

Ang Team Payaman ay binubuo ng grupo ng content creators at social media influencers na pinangungunahan nina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at asawa nitong si Viy  Cortez-Velasquez

Kasama rin nila sa grupo ang mga kapatid ni Cong TV na sina Marlon Velasquez Jr.  a.k.a Junnie Boy at Pat Velasquez-Gaspar, at kani-kanilang mga asawa na sina Vien Iligan-Velasquez at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng

Kabilang din sa nasabing grupo ang ilan sa kanilang malalapit na kaibigan at kababata na bumuo sa masayang pamilya na Team Payaman na hinahangaan ng milyon-milyong netizens. 

Taong 2020 nang naging maingay sa social media ang pangalan ng grupo dahil sa pagbibigay saya ng mga ito sa social media sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Pero bago pa man ang pandemya ay magkakasama na ang grupo sa paggawa ng online contents patungkol sa kanilang buhay at pagbibigay inspirasyon sa mga manoood. 

Team Payaman Girls Issue?

Hindi lingid sa kaalaman ng Team Payaman girls at real-life friends and in-laws na sina Viy, Vien, at Pat na madalas silang kinukumpara ng netizens sa isa’t-isa. 

“Maraming nagco-compare sa atin sa social media, ‘di ba? Sobrang dami… sa pagiging magulang, sa lifestyle, pagiging asawa, looks, lahat naco-compare tayo,” ani Viy Cortez.  

Dagdag pa ni Pat Gaspar: “Sasabihin nila ‘Uy si Vien at saka si Viy wala sila sa isang vlog, mga 2 months na, baka magka-away sila.’”

Pero pagbubunyag ni Viviys, wala pang nagaganap sa pag aaway sa pagitan nilang tatlo at kanilang pamilya. 

“Never kaming nag-aaway. Mine-maintain din kasi namin yung relationship na hanggang pang matagalan kasi in-laws na siya,” paliwanag ni Viy.

Ano pa kaya ang mag rebelasyong isisiwalat ng Team Payaman girls? Abangan ‘yan sa ikalawang YouTube channel ni Viy Cortez mamayang 8 PM.

Kath Regio

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

22 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

29 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.