DJ Clouie Era? Clouie Dims Shares Her First-Ever Spinning-at-the-Club Experience

DJ Clouie in the house! Isang kakaibang hobby ang sinubukan ng Team Payaman vlogger na si Clouie Dims kasama ang ilang housemates nito sa Congpound.

Ito na nga ba ang simula ng bagong karera ni Clouie bilang isang Disc Jockey (DJ) sa club? Alamin ang mga tagpo sa kanyang kauna-unahang spinning experience!

Clouie’s Training

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng nobya ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang na si Clouie Dims ang mga kaganapan matapos ang kanilang night-out bonding kasama ang Team Payaman.

Bago pa man tuluyang sumalang sa pagiging isang DJ, sumailalim muna si Clouie sa matinding training kasama si Waff, isang professional DJ.

Bilang regalo sa kaarawan ng kaibigan nitong si Tricia Baylosis, ang may-ari ng Tricia’s Bar and Lounge, napagisipan ni Clouie na maging isa sa mga tutugtog para sa kanyang kaibigan.

“Ito pong si Tricia Baylosis naniniwala sa kakayahan kong mag-DJ kahit wala pa naman s’yang nakikita [na sample],” kwento ni Clouie.

Ani Clouie, noon pa man ay nasubukan na nitong mag-DJ sa tulong ng kaibigan na si Waff, ngunit hindi na ito natuloy dala ng pagiging busy sa buhay vlogging.

“Gusto ko bigyan ang sarili ko ng chance, baka kasi para dito talaga ako,” dagdag pa nito.

Agad din namang natutunan ni Clouie ang mga pangunahing kaalaman pagdating sa tamang paggamit  ng DJ Controller.

DJ Clouie in the House!

Pagdating ng kaarawan ni Tricia, game na game na tumugtog si Clouie para rito at sa ilang kapwa Team Payaman members.

Hindi magkamayaw ang Team Payaman sa saya at pagiging proud sa kaibigang muling bumalik sa kanyang hilig.

Walang humpay na kantahan at sayawan ang hatid ni Clouie para sa kanyang unang set, na talagang kinagiliwan ng mga dumalo.

Hindi rin napigilan ng nobyo nitong si Dudut Lang na mapa-indak sa mga tugtuging hatid ni Clouie Dims para sa kaarawan ng kaibigan.

Ipinahatid din ng mga manonood ang kanilang paghanga sa nakatagong talento ni Clouie pagdating sa pagiging isang DJ.

​​@marccolomayt82094: “After 5 years, Pretty DJ Clouie is back in session!”

@bretheartgregorio1886: “DJ Clouie in the house, eyyy!”

@fatmahhairahs.abdulmohayme7270: “Let’s go DJ ate Clouie!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.