Bukod sa mga nakakagutom na mga putahe, isa ngayon ang baking sa mga sinimulang aralin ng vlogger slash resident cook ng Team Payaman na si Dudut Lang.
Alamin ang mga natutunan ni Dudut sa matagumpay na baking workshop na dinaluhan nito kasama si Bok.
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang ang kanyang mga manonood sa isang baking workshop sa San Fernando, Pampanga.
Nagtungo sina Dudut Lang, Carlos Magnata, a.k.a Bok, at fitness coach ng Team Payaman na si JM Macariola sa Baker’s Champ upang matuto mag-bake.
Personal na tinuruan ng may-ari ng Baker’s Champ na si Chef Wolen ang kanyang mga estudyante mula sa Congpound upang matutunan nito ang mga pangunahing kaalaman pagdating sa baking.
Ang Baker’s Champ ay isang panderya na kilala sa kanilang mga pangmalakasang mga tinapay na talagang patok sa mga mamimili.
Bago pa simulan ang workshop, una nang pinaalalahanan ni Chef Wolen na magsuot ng mga protective gears sina Dudut para sa kaligtasan ng mga pagkain.
Game na game na nakiisa sina Dudut, Bok, at JM sa paggawa ng mga tinapay na itinuturo sa kanila ni Chef Wolen.
Mula sa pagbubuhat ng mga kakailanganin sa kanilang pagbe-bake, hanggang sa paghahalo at paggawa ng sourdough, personal itong nasubukan nina Dudut.
Ang sikat na French bread o Croissant ang unang tinapay na sinubukang gawin ng Team Payaman.
Kwento ni Dudut, bagamat mahilig ito magluto, may dahilan kung bakit hindi nito nabigyan ng pagkakataon na matutong mag-bake.
“I actually consider myself a home cook. ‘Yung baking hindi ko nabigyan ng pansin at ‘di ko nabigyan ng interes kasi sobrang delicate n’ya tsaka sobrang metikuloso n’ya,” kwento nito.
Maging ang paggawa ng kapeng espreso ay sinubukan din nina Dudut at Bok, na kanilang ipinares sa kanilang tinapay.
Matapos ang ilang oras na paggawa ng tinapay, personal na ginawan ni Chef Wolen sina Dudut ng Crozza o croissant pizza, na kanyang ipinatikim sa dalawa.
“Na-aappreciate ko ‘to. Masarap s’ya!” reaksyon ni Dudut.
Kanila ring ibinahagi ang mga Croissant na kanilang ginawa sa mga empleyado at ilang mga Kapampangan.
Watch the full vlog below:
Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…
A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…
Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…
Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…
A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…
As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…
This website uses cookies.