Dedma sa bashers? No. Welcome, mga bashers!
Habang ipinagdiriwang ang kanyang 28th birthday, pabirong inimbita ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang mga online bashers mula sa Reddit, a.k.a. Reddit Warriors, sa isang meet and greet.
Ang Reddit ay isang online platform kung saan libreng nakakapagbahagi ang mga users mula sa iba’t ibang komunidad ng kanilang sariling interes, libangan, o kahit mga opinyon sa partikular na paksa habang nakatago ang kanilang pagkakakilanlan.
“Ako na naman ba ang pulutan diyan sa Reddit? Parang pa-isang taon na ‘yan ah!”
Ito ang naging bungad ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang TikTok video bilang tugon sa mga netizens na nag-iwan ng komento patungkol sa nakaraang meet and greet niya sa Viyline Pop Store Starmall San Jose Del Monte Bulacan.
“Kita niyo ‘yan reddit commenters? Kahit anong paninira niyo, mas marami pa rin ang nagmamahal sa kanya,” komento ng isang taga-suporta.
“Basag ang mga haters sa Reddit. Go, Viy! Pawer!” ang komento naman ng isa.
Maalalang inulan si Viviys ng matinding mga panlalait patungkol sa kanyang pisikal na itsura noong pinagbubuntis niya ang unico hijo na si Kidlat. Karamihan sa mga netizens na ito ay tila hindi pa rin tumitigil sa kabila ng kanyang glow -up matapos ang dalawang taon.
Pabirong suhestiyon naman ni Viviys para sa kanila ay isang exclusive meet and greet at open forum upang makapaglabas ng mga panlalait nang personal at harap-harapan.
“Oh sige, ganito na lang, mag meet and greet tayo. Hindi makakapasok ‘pag hindi pinakita na may comment na masama. Tapos mag open forum with mic. Sabihin na lang sa harapan ko ang mga panlalait,” ani Viy sa kanyang TikTok video.
“Sa dami n’yo mukhang sa Araneta tayo. Mag concert na din ako after, kantahan ko kayo,” biro pa ni Viviys.
Komento naman ng isang taga-suporta: “Hayaan mo na silang mabulok jan sa Reddit, madam. Hindi nila deserve ng meet & greet. Sa amin na lang na nagmamahal sa’yo.”
“Magiging reddit warrior na lang pala ako para makita kita,” biro naman ng isa.
Samantala, sa kabila naman ng mga nanlalait, inimbitahan na lang ni Viy ang lahat na suportahan ang kanyang patuloy na lumalagong negosyo: “Sa mga hindi kasama sa open forum naming mga reddit warriors, mag-order na lang kayo ng Viyline.”
Bukod sa pagiging hands-on na ina at asawa, isa ring content creator at business owner…
Unending cuteness ang hatid ng Team Payaman mother-and-son duo na sina Mommy Viy Cortez-Velasquez at…
Isa sa mga pinagkakaabalahan ng Billionaire Gang member na si Carlyn Ocampo at asawa nitong…
DJI Philippines x SkyPixel Academy recently concluded its 2-day Professional Drone Training with VIYLine Group…
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
This website uses cookies.