“Nutritious, comforting, madali, at masarap”
Kahit nilalagnat ay nakabuo pa rin si Ninong Ry ng YouTube vlog, kung saan nagbahagi siya ng iba’t-ibang paraan upang makagawa ng mainit at masustansyang sabaw para sa mga dinadapuan ng sakit kagaya niya.
Kwento ng food vlogger, nakakapanibagong pakiramdam para sa kanya ang magkaroon ng sakit sapagkat hindi siya madalas dapuan nito.
Ang chicken stock ay sabaw na binubuo ng hilaw na buto ng manok, mga gulay, at pampalasa. Ito ay aniya ay isa sa masarap na kainin upang makatulong malunasan ang sakit.
“Parang gusto ‘kong humigop ng masarap na sabaw, pag may sakit,” ani Ninong Ry.
“Gusto ko gawin ‘tong video na ‘to para dun sa mga young professionals na mag-isa lang sa condo or sa bahay,” dagdag pa niya.
Upang mabuo ito, kailangan lamang ng mga sumusunod:
Matapos pakuluan, ihiwalay lang ang mga laman, at bawasan ang natirang mantika, at maaari nang makabuo ng iba’t ibang klase ng chicken soup.
Payo naman ni Ninong Ry: “Kung ayaw n’yo gawin ‘yung pinakamahirap which is ‘yung paggawa ng chicken stock, pwede kaoyong gumamit ng Knorr Chicken Powder or Chicken Cubes. Kahit bumili kayo ng Andoks [ng manok] tas himayin n’yo para lang may protina.”
Kung sabaw na pampahaba ng buhay ang hanap mo, Chicken Noodle Soup na ang para sa iyo!
Para kay Ninong Ry, maaaring gumamit ng kahit anong klase ng noodles sapagkat ang importante ay ang makakapagbigay ng sapat na lakas at enerhiya.
Kailangan lamang ng:
“Ito ‘yung pinaka basic,” ani Ninong Ry.
Kung ang hanap mo naman ay kakaibang atake ng sabaw na may sapat na carbohydrate content at dagdag na kunat ng laman, baka egg-flour chicken soup na ang para sa iyo.
“Para siyang basang kutsinta but not in a bad way,” ganito inilarawan ni Ninong Ry sa kanyang recipe.
Para makagawa nito, sundin lang ang prosesong ito:
Kung ang habol mo naman ay sabaw na may nangunguya pa ring masustansiyang laman, Chicken Soup Dumpling ang maipapayo ni Ninong Ry.
“Hindi siya soup na soup, may mangunguya ka,” ani Ninong Ry.
Upang mabuo ito:
Samantala, nitong July 14, nagpasalamat naman si Ninong Ry sa kanyang mga tagasubaybay na “mga inaanak” sa isang Facebook post bilang pagdiriwang ng kanyang ika-apat na taon bilang isang content creator.
Watch the full vlog here:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.