Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Junnie Boy’s Surprise 30th Birthday Celebration

Dahil ito na ang ika-30 kaarawan ng Team Payaman member na si Junnie Boy, minabuti ng misis nitong si Vien Iligan-Velasquez na bigyan ito ng masayang selebrasyon.

Tunghayan ang mga naging paghahanda at mga tagpo sa nagdaang back-to-back birthday celebration ng mag-amang Marlon Velasquez Sr, a.k.a Papa Shoutout at Junnie Boy.

Surprise Preparations

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ipinasilip nito ang kaniyang naging paghahanda para sa kaarawan ng asawa nitong si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy.

Magmula sa venue hanggang sa mga pagkain, suppliers, at programa ay hands-on si Mommy Vien sa surprise birthday party ng kanyang mister.

Sa isang resort sa Alfonso, Cavite ginanap ang kaarawan ni Junnie, kung saan inimbitahan ang mga kaanak at ilang malalapit na mga kaibigan nito sa loob at labas ng Team Payaman.

Bukod kay Junnie, nagdiriwang rin ng kaarawan ang ama nitong si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout, kaya naman pinag-isa na lamang ang selebrasyon.

Happy Birthday, Junnie!

Abot tenga ang ngiti ni Junnie nang malamang may naghihintay palang surpresang selebrasyon dito na hatid ni Mommy Vien.

“Guys, kitang kita ko kayo sa labas!” biro ni Junnie.

Laki naman ang pasasalamat nito sa lahat ng mga kaibigan at pamilyang dumalo sa kanyang kaarawan.

“Sa inyong lahat, maraming salamat! Maraming salamat sa pagpunta!” bungad nito sa kanyang mga bisita. 

Bukod sa kainan, isa rin sa bumuo ng gabi ng Junnie Boy ay ang bandang Dionela, na personal na tumugtog sa kanyang kaarawan.

Maliban kina Papa Shoutout at Junnie, hindi rin pinalampas nina Junnie at Vien na batiin ang ang kapwa Team Payaman member at nagsisilbing executive assistant ng mag-asawa na si Eve Marie Castro na nagdiriwang rin ng kanyang kaarawan.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

45 minutes ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

1 hour ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

1 hour ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.