Hinamon ng Team Payaman vlogger na si Burong ang gilas ng ilan sa Team Payaman Wild Dogs pagdating sa isang indoor shooting range.
Kasama ni Aaron Macacua, a.k.a. Burong, ang kanyang firing squad na sina Jaime Marino de Guzman a.k.a. Dudut Lang, Steve Wijayawickrama, Carlos Magnata, a.k.a Bok, at Coach JM Macariola, dumayo sila sa Lock N Load Firearms and Sporting Goods sa Las Piñas City.
Ang Lock N Load Philippines ay isang government-accredited brick-and-mortar store na nagsusulong ng safety training sa kanilang indoor shooting range at legal na pagmamay-ari ng iba’t ibang armas.
Bago magsimula, nagsagawa sila ng orientation training kasama ang eksperto ng Lock N Load na nagbahagi ng apat na tuntunin sa ligtas na paggamit ng baril.
Paalala niya: “Always treat all guns as though they are loaded. Keep the finger off the trigger until you are ready to shoot. Always keep firearms pointed in a safe direction. And be sure of your target and what is beyond.”
Noong tinanong ni Steve kung para saan nga ba ang pagpunta nila sa lugar: “We will know later if you’re really good at war or only in GTA,” pabirong sagot ni Dudut.
“Para pag dating ng panahon na magkadikdikan, maging proud tayo, masabi natin na amin ang West Philippine Sea,” dagdag pa nya.
“Para pards, self-defense ‘yan, pards,” ang sagot naman ni Burs.
Ang unang hamon ni Burong sa kanyang firing squad ay ang unang makatama sa target gamit lang ang limang bala ay makakapaguwi ng sampung libong pisong cash prize.
Tagumpay na napatamaan ni Burong ang target matapos ang apat na subok at asintado naman ito ni Coach JM matapos lang ang dalawang subok.
Upang mas magkaalaman, hinamon naman ni Burong si Coach JM ng paramihan makatama sa limang target kung saan nakalima si Burong at naka-apat lang si JM. Subalit, nanlamang naman sa bilis si JM.
“Dapat ganun kabilis, pre,” alma ni JM.
Hulaan n’yo mga kapitbahay kung sino nga ba ang tunay na nagwagi sa kanilang dalawa.
Watch the full vlog here:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.