Team Payaman Girls Share Laughter and Adventure on Epic Zambales Trip

Sa mundo ng Team Payaman Wild Cats, hinding-hindi mawawala ang adventure. Kapag usapang adventure, tiyak na hindi sila magpapatalo!

Tampok sa bagong YouTube vlog ni Clouie Dims ang Zambales trip ng Team Payaman girls, na puno ng walang hangganang kulitan, kantahan, at saya.

The Long Drive

“Ito na naman po ang mga tiyahin niyo… mag-a-adventure na naman, nakawala na naman… ang mga tita niyo ay going North!” bungad ni Clouie Dims.

Sa unang bahagi ng vlog, tampok ang long drive ng grupo na binubuo nina Clouie, Venice Velasquez, Eve MArie Castro, at Mau Anlacan.

Tumungo ang TP girls sa Casas Del Sol sa Zambales, na nagsilbing home base para sa kanilang adventure trip. Isang mabilis na house tour din ang ginawa ni Clouie upang ipakita ang kanilang tinutuluyan.

Sinalubong naman siya ng Team Payaman boys na sina Genggeng at Igme, na kasama rin sa nasabing bakasyon. Ipinakilala rin ni Clouie si Tita Krissy Achino at Kevin Hufana, na kasali sa grupong nauna sa kanila sa Zambales.

Karaoke Night

Bago dumating sina Pat Pabingwit at Jai Asunsion, nag-enjoy muna sila sa masayang karaoke session. 

Kahit na nagkaroon ng unexpected brownout bago makakanta si Keboy, itinuloy pa rin nito ang kaniyang entry kasama si Tita Krissy, na nagresulta sa isang masayang talent show.

“Grabe! The show must go on!” ani ng kanilang kasama.

Pagkatapos ng masayang kantahan, lumabas ang grupo para maghapunan sa Sannarah’s Grill sa San Felipe, Zambales, kung saan nakasama na nila si Jai Asuncion. Pinagsaluhan nila ang mga pagkain habang patuloy pa rin ng kulitan.

ATV Adventure

Kinabukasan, sumunod si Pat Pabingwit. Sinimulan nila ang araw sa mainit na kape at masarap na almusal, at sinubukan ang ATV driving at dragon boat. Sinulit din nila ang mga kamangha manghang tanawin sa Zambales.

Watch the full vlog here: 

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

3 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

This website uses cookies.