Habang patuloy na naghihintay ang mga manonood ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang South Korea vlog, isang quick recap ang hatid nito sa kanyang mga Viviys.
Tunghayan ang ilan sa mga tagpo sa dalawang buwang nakalipas sa buhay ni Viy bilang isang ina, fiancé, at business owner.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Viy Cortez-Velasquez ang ilan sa mga kaganapan bago tuluyang ikasal sa kay Cong TV.
Una na rito ang pagdiriwang ng 20th birthday ng bunsong kapatid na si Yiv Cortez, na ginanap sa isang resort sa Laguna.
Bukod sa kanilang pamilya, kasama rin sa selebrasyon ang ilang malalapit na mga kaibigan ni Yiv.
“Wish ko healthy tayong lahat and more blessings sating lahat!” hiling ni Yiv.
Sa lugar na pinagdausan ng selebrasyon ni Yiv, minabuti na rin ni Mommy Viy na turuan ang kanyang anak na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a. Kidlat kung paano nga ba lumangoy.
Sa tulong ng isang swimming instructor, nais ni Mommy Viy na matutunan ni Kidlat ang paglutang at tamang paghinga habang nasa ilalim ng tubig.
“Isang beses pa lang s’ya naturuan ni Coach ng paglubog, ngayon nagtatalon na s’ya. Dati, takot pa s’ya sa tubig, naghahanap pa ng hagdan or nang tutulong sa kanya,” kwento ni Viy.
Game na game ring nakiisa ang proud parents na sina Mommy Viy at Daddy Cong sa mini swimming lesson ni Kidlat.
Bumisita rin ang ilang Team Payaman sa Claveria, Cagayan upang bisitahin ang ilang kamag-anak ng Pamilya Velasquez.
Hindi nito pinalampas na mabisita at maipakita kay Kidlat ang sikat na windmills, na ani Viy ay sumisimbolo sa tagal ng pagsasama nila ni Cong.
“Nagpunta kami dati ni Cong dito wala pa kaming anak. Ngayon, may bata na!”
Bilang paghahanda sa kanilang kasal, nagtungo rin sina Mr. and Mrs. Velasqeuz sa Balesin Island para sa kanilang prenuptial shoot.
Bukod sa photoshoot, nagsilbi na rin itong munting bakasyon para sa kanilang pamilya, lalo na kay Kidlat na nag-enjoy sa pamamasyal at paglangoy.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.