New Era, New Look: Cong TV Receives Overflowing Praises for His Transformation

Bukod sa matagumpay na pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, isa rin sa mga umagaw ng pansin ng solid Team Payaman fans kamakailan ay ang new look ni Cong TV.

Matapos ang kanyang ultimate makeover para sa #PerfectCongViynation wedding, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga paghanga sa Team Payaman head sa kanyang new look.

The Glow Up

Ilang araw bago ang kanyang kasal, sinadya ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV na paglaanan ng oras ang pagpapaganda ng kanyang hitsura.

Bago pa mang tuluyang ikasal, ipinasiilip ng mag-asawang Cong at Viy Cortez-Velasquez ang ilan sa kanilang mga inasikaso, kabilang na ang pagpapakabit ng veneers sa tulong ng Apostol Dental.

Matapos ang pagkakabit ng veneers, laking gulat hindi lamang nina Cong at Viy, kundi pati na rin ng mga kapwa nito Team Payaman members sa pagbabago ng ngipin ni Cong TV.

“Grabe ginawa sa akin ni Doc Jonas ng Apostol. Grabe ginawa n’ya sa ngipin ko, sobrang ganda ng ngipin ko na hindi nababago kung ano ‘yung ngipin ko before, same lang, mas maputi lang. Ang laki ng naging epekto n’ya sa overall na mukha ko,” kwento ni Cong.

Bukod sa mga ngipin, isa rin sa nagpaaliwalas ng itsura ni Cong ay ang kanyang bagong hairstyle na gawa ng resident barbero ng Congpound na si Jude.

“Hate na hate ni Viviys mga paa ‘yung aking buhok, and ang alam n’ya is hindi talaga ako magpapagupit. Pero dahil urat na urat [na] s’ya sa buhok ko [magpapagupit na ako],” ani Cong.

“Sinanay ko s’ya [Viy] na long hair ako, para pag kinasal kami, may iba s’yang makita,” dagdag pa nito sa opisyal na panayam sa VIYLine Media Group. 

Komento ni Viviys ilang araw matapos ang kanilang kasal: “In love ako sa’yo nung araw na ‘yan. Sobrang pogi kasi ng buhok mo ‘tas ang ganda ng ngipin mo!” 

Netizens’ Reactions

Ilang linggo matapos ang kasal, hindi pa rin mapigilan ng ilang taga-suporta na batiin ang new look ni Cong TV.

Sa isang recent Facebook upload ni Viviys, ibinida nito ang mala “oppa” look ng asawa habang sila ay nasa South Korea.

Agad naman ito inulan ng mga positibong komento mula sa mga netizens:

Joanna Manuel Lerit: “Napakagwapo na ng isang Cong TV!”

Kryshna Leigh: “ang gwapo ni Kang Cong!”

Mary Jane Llanes: “Oppa!”

Ayra Capiznon Sinfuego: “Blooming si Mossing mula nung kinasal!”

Rollo Sherlyn Sanico: “Ganon talaga pag kasal na, nag-blooblooming, tas bagong Ligo!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

19 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.