Ilang linggo matapos ang kasalang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez, nasilayan na ng netizens ang ilan sa mga tagpo sa nagdaang #PerfectCongViynation wedding.
Bukod sa mga nakaka-antig na kaganapan, isa ang bagong kanta ng bandang Over October sa lalong nagpakilig sa same-day edit video ng nasabing kasalan.
Top trending ngayon ang pasilip ng mag-asawang Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez sa kanilang kasal na ginanap noong June 17, 2024.
Isa rin ang kantang “Kaakit-akit” ng bandang Over October ang nagpakilig sa mga manonood ng kanilang same-day edit video hatid ng Bob Nicolas Films.
Bagamat hindi pa opisyal na nailalabas sa publiko ang nasabing kanta, nauna nang ipinagamit ito ng banda para sa kasal ng tinaguriang YouTube power couple.
Sa isang ekslusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) sa rising OPM band na Over October, ibinahagi nito ang inspirasyon sa likod ng kantang ‘Kaakit-akit’
“When we write songs, it’s usually about personal experiences. I think we’ve all experienced being infatuated with a person to the point that it affects the way we act (i.e “nakakawala ng angas”). We wanted to capture that feeling of being so in love with your crush and put it in a song.”
Ibinahagi rin ng banda sa VMG ang ilang parte ng kanilang kanta upang mas lalong maintindihan ang nais ipahiwatig ng mga letra.
“Kaakit-akit, nauulol sa iyo
Sa tuwing lalapit tanggal ang angas ko
Ika’y iibigin, iaalay ang mundo
At sasabihing ika’y kaakit-akit”
Dagdag pa ng banda: “Kaakit-akit is a song about an intense infatuation. It’s about gushing over a person to the point where you’re borderline delusional about them. The person’s allure is enough to make you think that they’re the person you’ve been waiting for this whole time. It’s almost as if you’re enchanted by them, and you start acting differently whenever they’re around.”
Ayon sa banda, ang kantang “Kaakit-akit” ay sumasalamin din sa pagmamahalan at pagsasama nina Cong at Viy.
“It was not intentionally done, but it just so happened that the lyrics really fit the branding of Cong and Viy. When we wrote the song we believed it captured the funny yet serious feeling of being head over heels for someone.”
Dagdag pa nito, binigyan nila ng pagkakataon ang mag-asawa na magamit ang kanilang kanta sa kanilang same-day edit kahit pa hindi pa ito naipaparinig sa publiko.
“We shared in our post announcing the song was in their wedding video that it was actually Bob and Albert Nicolas that approached us asking if they could use our song “Ikot” for the wedding video.”
“But since the lyrics of ‘Ikot’ did not really fit the theme, we suggested our unreleased song ‘Kaakit-Akit.’ Thankfully, it was approved! It was perfect timing as well since we were planning on releasing the song soon.”
Ayon sa banda, balak opisyal na ilabas sa mga streaming platforms ang kantang “Kaakit-akit” sa darating na July 19, 2024.
Bukod sa “Kaakit-akit,” ipinagmamalaki rin ng Over October ang kanilang mga sariling likhang kanta gaya ng “Ating Dalawa”, “123”, “Never Stop” at, “Ikot”.
Para sa mga sumusuporta at nais tunghayan ang Over October sa personal, anila’y maraming dapat abangan mula sa kanilang banda.
“Kaakit-akit comes out this July 19! We have shows every month, so it would be best to check out our social media pages, where we post all the updates! We also have big events every time we celebrate our anniversary which is in October, so that’s something that our listeners should watch out for as well!”
Watch the full vlogs below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.