Zeinab Harake and Ray Parks Are Now Engaged; Fellow Vloggers Share Excitement

Isang taon matapos tanggapin ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake ang basketball player na si Ray Parks bilang kanyang nobyo, sa wakas ay mauuwi na sa kasalan ang tambalang tinaguriang RayNab.

Tunghayan ang ilan sa mga nakaka-antig na mga tagpo at reaksyon ng  mga kaibigan ng engaged couple sa industriya ng social media.

Zeinab and Ray’s Engagement

Pumalo na sa mahigit 4.3 million views ang proposal vlog ng vlogger na si Zeinab Harake at Ray Parks matapos itong isapubliko nitong Lunes ng gabi. 

Unang hiningi ni professional basketball player na si Ray ang basbas ng kapatid, magulang, at mga anak ni Zeinab,  isang buwan bago pa ito tuluyang lumuhod at hingin ang kanyang kamay. 

“Mommy, please say yes to Daddy Ray!” sambit ng magkapatid na Lucas at Bia.

“Shocks, naiiyak ako!” reaksyon naman ni Rana Harake, ang nakababatang kapatid ni Zeinab. 

Matapos ang isang buwang preparasyon, kasado na ang inihandang supresa ni Ray para kay Zeinab.

Dinaluhan ang nasabing engagement surprise ng kanilang pamilya at malalapit na mga kaibigan sa loob at labas ng industriya ng vlogging.

“You and the kids are my home, and I can’t imagine life without y’all. I brought all of our friends, family, and loved ones here today to bear witness to ask you one thing. Zeinab Harake, would you make me the happiest man in the world? Will you marry me?” tanong ni Ray.

Sagot naman ni Zeinab: “Yes!”

“This is my dream!” sigaw ng dalawang anak ni Zeinab.

Touching Messages

Matapos ibigay ni Zeinab ang kanyang matamis na “Oo” kay Ray, hindi napigilan ng mga kaibigan na ipahatid ang kanilang pagbati sa newly-engaged couple.

Viy Cortez: “Congrats sister!!!!”

Ivana Alawi: “Congrats Zebby and Ray!”

Rana Harake: “You deserve it girl!!!! Congratulations Paps Ray & Madam”

Alex Gonzaga: “ANG SAYA KO PARA SA INYO!!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

7 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.