Kevin Hermosada and Abigail Campañano-Hermosada Inspire Viewers With Home Renovation Project

Ilang buwan matapos ianunsyo nina Kevin at Abigail Hermosada ang kanilang paglisan sa Congpound, isang panibagong kabanata ang tinahak ng mag-asawa.

Alamin ang mga pinagdaanan at kailangang isaalang-alang ng mag-asawang Hermosada bago natupad ang pagkakaroon ng kanilang sariling tahanan. 

The Struggles

Isa sa mga pangarap ng mag-asawa ay ang pagkakaroon ng sarili nilang tahanan. Bagamat isang malaking hakbang ang pagpapatayo ng sariling bahay, hindi pinanghinaan ng loob sina Kevin Hermosada at Abigail Campañano-Hermosada na tuparin ang pangarap na ito.

Sa bagong vlog ni Kevin, ipinasilip nito ang mga isinagawang hakbang sa pagbuo ng kanilang munting tahanan na ayon sa kanya’y inabot ng apat na buwan.

“Here it is, my debut sa ganitong style ng vlog. Ginagawa ko na rin ito dati, pero parang may iba lang sa feeling ko na, iba siya sa mga nilabas kong vlog,” ani Kevin sa isang Facebook post.

Ibinahagi ng dalawa na hanggang ngayon ay wala pa rin silang sariling tahanan dahil nanatili sila sa Congpound matapos ikasal.

Nang mapagdesisyunan ng dalawa na magpundar ng kanilang bahay, agad silang naghanap ng mga mura ngunit modernong disenyo na tahanan.

Maging mga condominium at iba pang mga paupahan ay sinubukan din nilang ikunsidera, ngunit sa gitna ng kanilang paghahanap ay may dumating na hindi inaasahang biyaya.

“Bakit pa kayo mangungupahan, eh mayroon naman tayong second floor d’yan? D’yan na kayo tumira,” bungad ng ina ni Abby.

New Small House

Dahil kasado na ang kanilang sariling bahay, nagpagdesisyunan ng dalawa na bigyan ito ng bagong bihis.

Kumuha sina Kevin at Abby ng contractor at kinonsulta ang kung kasya ba ang kanilang budget na P100,000 para sa renovation ng nasabing espasyo.

Bagamat hindi napagkasya ang naunang budget,  nagsipag ang mag-asawa upang makabuo ng P300,000 para mapondohan ang bagong tahanan.

Ibinahagi rin nito na sinubukan nila na maghanap ng mga mura ngunit kalidad na gamit para sa bahay upang mas lalong makatipid.

Matapos ang apat na buwan, masayang ibinahagi ng mag-asawang Kevin at Abby ang bagong bahay sa kanilang mga manonood.

“Maraming salamat sa bumubuo nitong [paggawa ng bahay], sa family ni Abby grabe, at sa family ko,” pasasalamat ng dalawa.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.