Cong TV, Donny Pangilinan Meet ‘Deadpool and Wolverine’ Stars in South Korea

Muling nagsama ang noo’y magkalaban sa larong basketball na sina Cong TV at Donny Pangilinan para sa isang ekslusibong proyekto sa Seoul, South Korea.

Isang pribilehiyo ang natanggap ng tambalang Cong at Donny na personal na makapanayam ang mga aktor ng pelikulang “Deadpool and Wolverine.”

Deadpool and Wolverine

Ngayong Hulyo ipapalabas ang ikatlong parte ng serye ng Deadpool na pinagbibidahan ng mga karakter nina Hollywood actors na sina Ryan Reynolds (Deadpool) at Hugh Jackman (Wolverine).

Ang mga nasabing pangunahing karakter, kasama ang kanilang direktor na si Shawn Levy ay personal na lumipad sa South Korea upang makadaumpalad ang kanilang mga manonood.

Bilang parte ng promosyon ng pelikula, nabigyan ng pagkakataon ang Team Payaman vlogger na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV na makapanayam ang mga ito.

Kasama rin nito ang aktor na si Donny Pangilinan, na s’ya ring representative ng bansa sa pagbisita ng mga bigating Hollywood actors sa South Korea.

“Nabigyan po ako ng pribilehiyo na interview-hin [ang mga karekter nina Deadpool at Wolverine]. Kinakabahan ako! Kung may idea kayo guys, i-comment n’yo nga” ani Cong sa kanyang YouTube live kamakailan lang.

To the rescue naman ang mga fans ni Cong TV na nagpadala ng kanilang mga suhestiyon na tanong para sa nasabing interview.

“What is your favorite number in the electric fan?” pabirong tanong na nagpahalakhak kay Cong. 

“Do you know [Manny] Pacquiao?” tanong pa ng isa.

“Can you defend yourself from Tanggol?” dagdag ng isang tagapanood.

Funny Reactions

Matapos ang kanilang matagumpay na panayam, ibinahagi ni Cong TV ang kanyang litrato kasama si Donny Pangilinan, Ryan Reynolds, at Hugh Jackman sa isang Facebook post.

“Isinantabi muna namin ang away namin ni Donny Pangilinan sa basketbol para pagbigyan sila na magvideo video daw. #DeadpoolandWolverinePH” ani Cong.

Agad itong inulan ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens, partikular na ng kanyang mga kapwa Team Payaman members.

Pat Velasquez-Gaspar: “Swerte niyo grabe nameet niyo si cong tv at donny!”

Carlo Santos: “Lupit na talaga ng AI ngayon!”

Jerom Miole: “Pagkaswerte nga naman ni Ryan at Hugh at nahawakan pa ang kamay ni Cong!”

Rainbin tv: “Ang swerte ni Wolverine naka pag pa picture sayo idol Cong TV”

CJ Rafols: “Ikaw na ata siguro papalit sa Wolverine, boss Cong TV!”

Excited na rin ba kayong mapanood ang interview ni Cong TV kina Ryan Reynolds at Hugh Jackman? Abangan lang sa kanyang YouTube channel!

Yenny Certeza

Recent Posts

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

7 minutes ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

5 days ago

This website uses cookies.