Dudut’s Kitchen: Dudut Lang Takes on ‘Mexican Restaurant Chef for a Day’

“Welcome to Dudut’s Kitchen’s first-ever dayo series.”

Iyan ang bungad ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa kaniyang bagong vlog kung saan dumayo ito sa El Poco Cantina sa Malate, Manila, upang maging isang Mexican restaurant chef for a day

Pero bukod sa pagluluto, hindi rin pinalampas ng Team Payaman vlogger na maranasan ang iba’t-ibang klase ng trabaho sa nasabing restaurant.

Birria Making

Katuwang ni Dudut Lang sa nasabing experience ay ang mismong may ari ng El Poco Cantina na si Sir Tots Ramirez. Ayon dito, ang El Poco Cantina ay isang Mexican restuarant na kilala sa kanilang best-selling Birria Tacos, Burritos, at Quesadillas. 

Unang dinala ni Sir Tots si Dudut sa prep kitchen, kung saan inatasan siyang magluto ng 15 kilos na karne ng baka na kadalasang nilalahok sa kanilang menu. 

Habang nagluluto, inusisa naman ni Dudut ang karanasan ni Sir Tots na dati palang professional DOTA player.

“Bunga ng mga tropa sa DOTA yung business ideology. Madaming negosyante sa gaming community na nag ano [sabi] sa’kin na ‘Pre, hindi ka pwede dota dota lang. Hanapin mo yung passion mo,’” kwento ni Sir Tots. 

Habang nagpapalambot ng karne ng baka, sinubukan rin ni Dudut na mag food assemble kung saan siya mismo ang naghanda ng mga pagkaing ihahain sa mga customer. 

Nag serve din ito ng orders sa mga customer, naging promodiser at nanghikayat ng mga tao na pumasok at kumain sa El Poco Cantina. 

Dudut Lang Reward

Dahil sa kaniyang sipag, binigyan ng espesyal na reward ni Sir Tots si Dudut Lang. 

“For doing a great job, you deserve a reward. Off menu [from me] gagawan kita ng klase ng dish,” ani Sir Tots.

“Ito yung pinaka unang recipe na nagawa namin ng negosyo na. Ito yung nagstart ng buong El Poco Cantina. Before maging Birria siya, ito yung number one talaga,” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

17 hours ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

18 hours ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

Cortez Family Joins “Pagsinta kay Maria” at Sto. Niño de Cebu Parish, Biñan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…

4 days ago

This website uses cookies.