Architect-Vlogger Explains the Truth Behind the ‘Knocking Ghost’ in Cong TV’s Bathroom

Isa ka rin ba sa mga kinilabutan sa kwentong-CR nina Cong TV matapos itong bumisita sa kanilang tahanan sa Cavite bago ang kasal?

Isang architect-vlogger ang naglakas loob na siyasatin ang katotohanan sa likod ng hindi maipaliwanag na karanasan ng pamilya Velasquez sa kanilang bahay sa loob ng mahabang panahon.

Knocking Ghost

Sa huling vlog ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, muli itong bumisita sa kanilang tahanan bago tuluyang ikasal sa kanyang long-time partner at ngayon at misis na si  Viy Cortez-Velasquez.

Bilang pagbibigay pugay sa kanyang mga pinagdaanan bilang isang vlogger, muling nilibot ni Cong ang bawat sulok ng kanilang tahanan na aniya’y naging parte ng kanyang pagsibol bilang isang content creator.

“Dito pa ako nagva-vlog dati. Ito na ba ‘yun?” laking gulat ni Cong.

Isa sa mga sinilip nito ay ang kanilang CR na kung saan biglang naalala ni Junnie Boy ang palaisipan sa kanilang pamilya.

“‘Di ba laging may kumakatok d’yan? Palaisipan dito ‘yun eh!” kwento ni Junnie.

Dagdag pa ni Cong: “Bata pa lang kami, may kumakatok na… Parang nagpupukpok, halos araw-araw.”

Aniya sinubukan na ng ama nilang si Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout, na alamin kung sino ang nasa likod ng mga pagkatok.

“Mayroon [nakatira], pero wala namang tao!” aniya.

Truth Revealed

Isang architect-vlogger ang nagpahayag ng kaniyang kaalaman upang bigyang-linaw ang hiwaga ng CR ng Pamilya Velasquez, na hanggang ngayo’y hindi pa nila napagtatanto.

Sa isang Facebook video, ipinaliwanag ni Architect Llyan Austria kung bakit nga ba may tila kumakatok na tunog sa pader nina Cong kahit walang tao.

“Itong paranormal anomaly na nangyayari sa CR nila Sir Cong is most likely na tinatawag natin na water hammer o hydraulic shock,” bungad nito.

Ayon kay Llyan, nagkakaroon ng pagbabago sa pressure sa mga tubo ng tubig, dahilan upang manginig ito at gumawa ng tunog na tila kumakatok sa pader. 

Upang maiwasan aniya ang pagkakaroon ng mga tunog gaya ng pagkatok, nagbahagi ng ilang payo si Llyan sa pagsasaayos ng bahay.

“One way to counteract this is to install a water hammer arrestor. Kailangan i-install n’yo ‘to habang nila-layout pa lang inyong mga pipes,” ani Llyan.

Watch the full video below:

Alex Buendia

Recent Posts

Boss Toyo Braves Through Typhoon Kristine to Bring Aid to Storm Victims in Bicol

Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol,…

14 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Happily Share Their Dream Kitchen Journey

Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV  at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng…

14 hours ago

Help Typhoon Victims When You Shop During VIYLine 11.11 Bayanihan Sale

To celebrate this year’s 11.11 ultimate sale, VIYLine has prepared deals and discounts that you…

1 day ago

New Batch of Influencers You Should Meet at Team Payaman Fair: The Color of Lights 2024

The Team Payaman Fair craze is just around the corner, have you gotten yourselves a…

6 days ago

Team Payaman Kids Dress Up For This Year’s Halloween Celebration

Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang…

7 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Celebrate New House With Family and Friends

Opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez. Sinalubong…

7 days ago

This website uses cookies.