Dream Bag: Cong TV Explains Wedding Gift for Wife Viy Cortez-Velasquez

Isa sa mga basehan sa taong tunay na nagmamahal ay kung gaano niya kakilala ang katuwang niya sa buhay.

Ito ang pinatunayan ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, noong niregaluhan niya ang misis na si Viy Cortez-Velasquez ng kaniyang “dream bag” sa araw ng kanilang kasal.

The unboxing

Sa araw ng kasal na kasabay rin ng ika-siyam na anibersaryo nina Cong at Viy, pinadala ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ang regalo ng kanyang kuya sa mapapangasawa nito.

Happy 9th anniversary sa atin. Pagpasensyahan mo na ang regalo ko. Ito lang ang nakayanan ng utang ko. Gusto ko ikaw ang pinakamasaya ngayong araw na ito. Kaya smile at ‘wag kabahan. I love you! See you later,” pagbabasa ni Viy sa liham sa kanya ni Cong na nakadikit sa ipinadalang regalo.

Pabirong nahihimatay habang unti-unting binubuksan ang mamahaling regalo, pero biro ng isa sa mga bridesmaids at sekretaryang si Pat Pabingwit: “Paper bag lang pala, sis.”

Hindi naman maitago sa mukha ng 27-anyos na vlogger-entrepreneur ang tuwa noong sa wakas ay nakita na niya ang laman ng paper bag ng pinapangarap na Hermés Birkin 25.

Love, thank you so much, dream bag ko ‘to,” ang mangingiyak-ngiyak na sambit ni Viviys.

The explanation

Sa isang eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) kay Cong TV, ipinaliwanag niya na noon pa man ay kita na sa kanilang mga vlogs ang hilig ng asawa sa mga kakaibang uri ng bag.

Kaya naman naisipan niya na ibigay sa asawa ang pinapangarap nitong bag.

“Wala nang ibang mas pe-perfect na gift sa isang bagay na gusto ng asawa mo,” ani Cong.

Ibinunyag din niya na napag-alaman nilang iisang tao lang ang pinagbilhan nila ng wedding gift para sa isa’t isa.

“Nalaman ko, kung saan niya nabili ‘yung relo ko, doon ko rin nabili ‘yung [bag]. Maraming salamat sa nakuhanan namin, sulit na sulit, power sa inyo!”

Nabanggit din ng mag-asawa ang tungkol sa regalo habang nagtitingin ng kanilang mga litrato noong kasal sa vlog ni Viy na pinamagatang “Reacting to our Wedding.” 

“Ang regalo niya sa akin is ‘yung pangarap kong Hermes Birkin 25 na white color. Basta gusto ko ‘yung size, color, lahat, gustong gusto ko. So, thank you, love!” paliwanag ni Viy.

Kwento pa ni Cong sa VMG, hindi pa ginagamit ng kaniyang misis ang binigay na regalo sapagkat balak aniya itong i-display sa pinapatayo nilang bagong bahay.  

Alex Buendia

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

34 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

40 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.