Isa ang celebrity couple na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada sa napili ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez bilang kanilang mga Ninong at Ninang sa kasal.
Marami ang nagsasabi na tila bata pa ang mag-asawa para maging ninong at ninang sa kasal. Kaya naman nilinaw nina Mr. and Mrs. Velasquez kung bakit napili nila ang mga Moradas na maging parte ng kanilang kasalan.
Habang binabalikan ang mga tagpo sa kanilang kasal, ibinahagi ng mag-asawang Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang dahilan kung bakit napili nila sina Alex Gonzaga at Mikee Morada bilang kanilang mga ninong at ninang.
“Nung nakita ko ‘yung bahay nila [Alex at Mikee] na may picture ng kasal nila, parang ang ganda lang sa bahay na may mga picture kayong mag-asawa na nakasabit,” kwento ni Viy.
Habang binubuksan ang mga regalo, ibinahagi ni Viy ang rason kung bakit napasama sina Alex at Mikee sa listahan ng kanilang mga Ninong at Ninang.
“Ang sabi kasi sa akin kapag kukuha ka ng Ninong at Ninang, [dapat sila] ‘yung makakausap mo kapag kayong mag-asawa ay may problema,” paliwanag ni Viy.
Dagdag pa nito: “So sakto si Alex, dahil ang daldal n’ya, parang ang dali n’yang lapitan, may mga advice [s’ya].”
Nilinaw din ni Cong na taong 2020 pa lang ay nag-uusap na sina Viy at Alex, dahilan upang lumalim pa ang samahan nila.
“Guys, lagi n’ya [Alex] akong china-chat. So doon, parang gusto ko s’yang makausap, gusto ko s’yang maging Ninang. Parang ang dami kong makukuha sa kanyang wisdom,” dagdag pa ni Viy.
Sa isang vlog bago ang kasal, ipinasilip din ni Viy ang pagbisita sa kanilang Ninang Alex at Ninong Mikee upang personal na imbitahan sa kasal.
Habang inaabot ang kanilang imbitasyon at munting regalo, ilang payong mag-asawa na ang ibinahagi ni Alex para kina Mr. and Mrs. Velasquez.
“Tignan n’yo, kakabigay lang namin ng regalo, may message na sa kasal!” biro ni Viy.
Samantala, ibinahagi naman ni Alex Gonzaga sa kanyang Facebook post ang pagkagalak sa kasalang Cong at Viy.
“See you sa kasal mga inaanak. Pinatanda nyo kami, pero ok lang kasi alam nyo na ah kapag nagkulang sina ninang at ninong, beke nemen mga inaanak!” biro ni Alex.
Watch the full vlogs below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.