Newlyweds Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Give Netizens Relationship Advice During Japan Honeymoon

Ilang araw matapos ang kanilang kasal, lumipad papuntang Japan sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez para sa kanilang unang honeymoon.

Sa gitna ng unang bakasyon bilang mag-asawa, ilang words of wisdom mula sa YouTube power couple ang ibinahagi nito sa kanilang mga followers.

Love Advice

Matapos ipasilip ang ilang mga tagpo sa kanilang unang araw sa Japan, nanghingi ang mga manonood ni Viy Cortez-Velasquez ng ilang payo patungkol sa relasyon.

@Ro ZA Mia: “Tanong lang Ms Viy, umabot din po ba kayo sa stage na may isa sa inyo na fall out of love?”

Habang nasa gitna nang pamamasyal sa Japan, agad itong sinagot ng newlyweds, baon ang ilang mga karanasan sa kanilang higit siyam na taong relasyon.

“Wala namang fairytale every day eh. Nasa sainyo ‘yan kung paano n’yo pagaganahin [‘yung relasyon], ‘di ba?” sagot Lincoln Velasquez, a.k.a Cong.

Dagdag pa nito: “With a constant communication, maipaglalaban n’yo parehas ‘kung ano ‘yung mga bagay na nangyayari sa inyo.” 

Ayon naman kay Viy: “Kapag nagkaroon ng gap, mararamdaman n’yo naman ‘yan eh. Kailangan n’yong gawan ng paraan para mapunan n’yo ‘yun.”

Relationship’s Longevity

Marami rin ang nais malaman kung paano nga ba napanatili ng mag-asawang Cong at Viy na matibay ang kanilang relasyon na umabot sa siyam na taon.

Sa isang TikTok video, muling sinagot ng bagong kasal ang tanong ng isa sa kanilang manonood.

@kyutieee: “Paano n’yo po nalaban ‘yung ilang years ng relationship?”

“Pinaglaban lang. Hindi sumuko. Parehas dapat kayong may ginagawa sa buhay. Bukod sa relasyon n’yo, dapat mayroon kayong sari-sariling ginagawa,” ani Viviys.

“Parehas lang kaming busy ni Viy. At the end of the day, nag-uusap kami palagi kapag kumusta ang araw n’ya, kumusta ang araw ko,” dagdag naman ng Team Payaman head.

Binigyang linaw din ng mag-asawang Cong at Viy na mahalaga ang pagkakaroon ng pinagkakabalahan upang maiwasan ang pagdududa sa iyong karelasyon.

Touching Reactions

Matapos masagot ang ilan sa kanilang mga katanungan, hindi napigilan ng mga manonood na kiligin sa naging batuhan ng sagot ng mag-asawa.

L Ryuga: “I observed in this video, they both give time for each other to speak. Walang sapawan. Walang unahan. Such a healthy one.”

Janille: “Cong, unbelievable ka talaga. Sobrang loyal and faithful pareho. Bagay na bagay. Love you both! Congratulations again sa inyo!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

36 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

42 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.