A New Song: NOBITA’s Perfect Wedding Gift for Mr. and Mrs. Velasquez

“Damdamin ko’y nagsusumigaw. Dalangin ko’y ikaw” 🎶

Isa sa mga bumuo ng selebrasyon ng #PerfectCongViynation wedding ng Team Payaman power couple na sina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ay ang special performance ng bandang NOBITA

Hinarana ng mga ito ang bagong kasal at kanilang mga bisita ng dalawang kanta: ang hit song nilang pinamagatang “Ikaw Lang” at ang regalo nilang bagong kanta na pinamagatang “Gitna.”

Image source: Nobita Facebook page
Image source: Nobita Facebook page

Handwritten by: NOBITA members
Design by: Kaye Agcaoili
Photo: Jeff Valencia

Gitna

Sinurpresa ng banda ang bagong kasal ng kanilang hinandang regalong performance ng pinakabago rin nilang kanta na inaalay para sa bagong kasal.

“Hindi namin alam kung ano ‘yung pinaka perfect moment para i-share namin ito sa mundo kundi ngayong araw na ‘to. Sobrang happy namin na naging part kami [ng kasal niyo],” mensahe ng bokalista ng banda na si Jaeson Felismino para sa bagong kasal.

Habang inaabot ang liriko ng bagong kanta na personal nilang inilimbag sa papel at ikinubli sa malaking frame, bakas sa mukha ng bagong kasal ang gulat at tuwa sa regalo sa kanila ng banda.

Kaya meron po kaming munti na regalo. Ito ‘yung song na gusto namin ibigay sa inyo personally, at kayo ang unang makakahawak ng kanta,” dagdag pa ni Jaeson.

At ‘yung pangalawang regalo po namin, tutugtugin namin ngayon. This song is called ‘Gitna.’”

Nabanggit ng NOBITA sa kanilang panayam sa ABS-CBN na taong 2021 pa raw mula noong sinimulan nilang isulat ang nasabing kanta. 

Anila ay nagkaroon daw sila ng ideya sa isang jamming session noong napagtantong karamihan ng ikinasal sa Team Payaman couples ay gumamit ng kanilang kanta.

Maalalang tumugtog din ang NOBITA sa kasal nina Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy at Vien Velasquez, at bumida naman ang mag-asawang Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar sa official music video nilang “‘Di Na Mag Iisa”.

Habang sinusulat ang kantang “Gitna,” iniisip anila kung ano ang nararamdaman ni Cong sa araw ng kanyang kasal — at sabi nila ay masaya naman nilang nasaksihan ito sa #PerfectCongViynation wedding na tumupad sa layunin ng kanilang regalo. 

Binahagi naman ng NOBITA sa isang Instagram story ang pasasalamat sa kanila ng bagong kasal.

Maraming maraming salamat po. Sobrang na-appreciate namin kayo. Mas naging maganda ang wedding namin dahil sa inyo. Sana makabawi kami sa inyo,” ani Viy.

Nobita

Ang NOBITA ay isang pop rock band na binubuo ng limang miyembro. Kilala sila sa pagdadala ng kakaibang pananaw sa mga hugot love songs at nakapagpapaalaala sa old school Pinoy rock gamit ang kanilang layered musical arrangement. 

Ang banda ay binubuo nina Jaeson Felismino (Vocals/Guitars), Mark Quintero (Bassist), Jonathan Lim Agbanlog (Drums), Sam Aquino (Lead Guitar), at Richmond Bancolita (Keyboards).

Ang kanilang pangalan ay kinuha mula sa Japanese-Katakana characters na ang ibig sabihin ay “to grow up strong and clear.” 

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

14 hours ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

This website uses cookies.