Jake Peralta Wows Newlyweds Cong TV and Viy Cortez-Velasquez With a Live Portrait Painting

Bukod sa engrandeng ayos ng simbahan, reception, pati na rin ng programa ng kanilang “dream wedding,” isa sa bumuo ng kasalang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang wedding portrait na gawa ni Jake Peralta.

Alamin ang naging proseso at inspirasyon sa likod ng kahanga-hangang live painting nina Cong TV at Viy.

#PerfectCongViynation Portrait

Matapos ang seremonya sa simbahan, dumiretso ang bagong kasal sa Marriott Hotel Manila upang ipagdiwang ang kanilang pag-iisang dibdib.

Isa sa mga pumukaw ng pansin ng mga dumalo ay ang pintor na si Jake Peralta, na agarang sinimulan ang kanyang obra ng litrato ng bagong kasal.

Si Jake Peralta ay isa sa mga bumuo ng kasalang Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez sa tulong ng kanyang malikhaing mga kamay.

Bukod sa mga kasal, naiimbitahan din si Jake sa iba pang klase ng mga okasyon upang maipamalas ang kanyang galing sa pagpinta ng mga nagdiriwang.

Sa eklusibong panayam kasama ang VIYLine Media Group (VMG), ibinahagi ni Jake na taong 2010 nang simulan nito ang pagguhit at pagpinta. Ibinahagi rin nito ang puno’t dulo ng kanyang pagkahilig sa sining.

“Dahil painter ako, artist ako, nakaisip ako na gumawa ng live painting sa isang wedding kasi usually sa ibang bansa meron. Pero meron na rin sa Philippines,” aniya.

Dagdag pa nito: “Pero naisip ko ‘yung style ko na gagawin kay Ms. Viy and Sir Cong is kakaiba siya, parang magiging portrait siya. Target ko is para siyang photo, ‘yung pagkakagawa.”

Priceless Reactions

Inamin ni Jake na isa rin siya sa libo-libong tagahanga ng YouTube power couple at maging ng buong Team Payaman.

“Yes po. Since nag-start sila. Parang nasubaybayan ko rin sila non. So sabi ko, ito ‘yung opportunity para i-share ko ‘yung talent ko sa kanila” kwento ni Jake.

Dagdag pa n’ya, isa ang grupo ng content creators na Team Payaman sa nag-udyok sa kanya na simulan ang kanyang karera sa pagpipinta.

“Siguro ‘yung naging inspiration ko sa pagla-live painting is ‘yung parang sa Team Payaman, nagsimula sa wala den. Tapos, parang ‘yun ‘yung naging motivation ko para mag work hard at mas pagandahin pa ‘yung aking artwork.” 

Habang patuloy ang program ng wedding reception nina Cong at Viy, patuloy lang si Jake sa pagpipinta ng mukha ng mag-asawang Cong at Viy suot ang kanilang wedding gown at tuxedo.

Nang matapos na ang kanyang obra, agad nitong ipinaabot sa bagong kasal ang kanyang pinaghirapang live painting portrait, na kanyang ipinasilip rin sa kanyang TikTok video.

“Wow! Ang ganda!” reaksyon ni Cong.

“Wooooow! Ang ganda, thank you! Ididisplay namin ‘yan sa bahay!” nangingiyak na sambit ni Viy.

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.