Viy Cortez Comforts Toni Fowler Amidst Pregnancy Challenges

Sa kanyang ika-apat na buwan ng pagdadalang-tao, hindi na napipigilan ni Toni Fowler ang bugso ng kanyang damdamin dala ng kanyang maselang pagbubuntis.

Labis ang paghanga ng netizens ngayon kay Viy Cortez matapos nitong mapa-antig ang puso ng social media personality na si Toni Fowler sa kanyang “small gesture.”

Pregnancy Blues

Apat na buwan na magmula nang nakumpirma ng ToRo Family head na si Toni Fowler ang pinagbubuntis nila ng kanyang nobyo na si Vince Flores.

Kaakibat ng saya na dala ng pagkakaroon ng bagong adisyon sa ToRo Family ay ang pagiging maselan ng ngayo’y second-time mom sa kanyang bagong supling.

Aminado ang “Batang Quiapo” star na hindi naging madali para sa kanya at sa kanyang mga kasama sa bahay ang kanyang pagbubuntis.

“Ngayon talaga, wala akong happy pregnancy. Stressed talaga ako. Tulad kanina, paggising ko, nagsisisi ako kung bakit ako nagpabuntis. Tapos after nun, pag nakalma niya ako, ngayon parang happy ulit ako sa pagbubuntis ko.” kwento nito sa ABS-CBN News noong nakaraang buwan.

Dagdag pa nito ang pagbaba ng kanyang kumpyansa sa sarili, lalo na pagdating sa mga pagbabago sa kaniyang pangangatawan.

“Nahihirapan ako maging happy kasi ang taba ko agad, ang dami kong pimples, nai-insecure ako, pakiramdam ko hindi nila iniintindi yung dapat na kainin ko.”

Mothers for Mothers

Sa bagong episode ng reality show ng ToRo Family, ginamit ni Toni ang pagkakataon upang maipa-abot ang kanyang pasasalamat sa kanyang kapwa nanay at vlogger na si Viy Cortez.

“Na-touch ako kay Viy Cortez kasi syempre nakasama ko s’ya before, pero nararamdaman n’ya ‘yung nararamdaman ko bilang mommy na rin s’ya. Thank you sa comfort!” pasasalamat ni Mommy Oni.

Kwento ng 30-anyos na vlogger, nagpadala ng mensahe sa kaniya si Viy at ipinapaalala sa kaniya na magiging sulit lahat ng kaniyang sakripisyo bilang ina. 

“Nag-chat sa’kin si Viy, ang sabi niya napanood daw niya yung video ko. Tapos sabi niya ‘okay lang ‘yan, alam mo maganda ka pa rin, sexy ka pa rin. Tandaan mo na the more na grabe yung ikina-pangit natin [habang nagbubuntis], ganun naman yung ganda na mabibigay natin sa baby natin.’”

Ibinida rin ni Mommy Oni na bukod sa mga payo ni Viviys, nagpadala pa ito ng pagkaing kaniyang pinaglilihian.

“Thank you sa’yo Viy Cortez, and syempre sa team mo, sa Team Payaman! Salamat sa inyo” huling mensahe nito.

Gaya ni Toni, naging bukas din sa publiko si Viy pagdating sa kanyang mga pinagdaanan habang ipinagbubuntis ang panganay na si Zeus Emmanuel Velasquez, o mas kilala bilang si Kidlat.

“Itsura ng nagpapadede, may tahi, nangangapa pa paano ba dapat ang tamang gawin. Okay lang yan bawi nalang sa mga susunod na buwan mahalaga healthy si baby!” ani Viy sa kanyang Facebook post noong 2022.

Dagdag pa nito: “Alam ko naman mahal ako ni Cong at ni Kidlat kahit ang panget ko ngayon hahahah. Babawi ako sa sarili ko next time ngayon para sa anak ko muna lahat.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.