Sa kabila ng kaabang-abang na kasalan ng YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez, isa pang Team Payaman couple ang naghahanda na para sa nalalapit nilang pag iisang dibdib.
Tampok sa bagong YouTube vlog ni Aaron Macacua, a.k.a. Burong, ang simula ng paghahanda para sa kasal kasama ang kanyang long-term girlfriend na si Aki Angulo.
Sa nasabing vlog, mapapanood ang food tasting na ibinahagi upang i-update ang kanilang mga tagasubaybay sa paghahanda nila sa kanilang kasal.
“So, nasa food tasting kami ngayon. Nandito kami, guys, para sa food tasting sa kasal namin,” panimula ni Burong.
Sinubukan nila ang iba’t ibang putahe, simula sa appetizer na Baked Scalops, main dish tulad ng Black and White Pasta, salad, at iba pa.
Matagumpay na natapos ng Team Payaman couple ang kanilang food tasting at sinigurong masarap ang ihahain sa mga bisita.
“Tapos na. Okay na, na-secure na natin ‘yung pagkain,” ani Burong.
Bago matapos ang vlog, sinubukan naman ni Burong ang kanyang “groom’s walk” na pabiro pa niyang ginawang napaka-emosyonal.
“Feeling ko ‘di ako maiiyak. Kasi naiiyak ako sa kasal ng iba, eh. So baka nabuhos ko na lahat,” aniya.
Dagdag pa niya, gusto niya sa kasal nila ni TP Wild Cat Aki ay masaya lang.
“Guys, food tasting, done. Next, ano pa ba kulang namin… prenup?” pagtatapos ni Burong.
Ang nasabing vlog ay umani naman ng mga pagbati mula sa netizens:
“Congrats to the both of you” – @rohnwelcastro972
“Congrats po” – @ellieven
“Waiting sa prenup at excited na rin sa kasal niyo” – @reniacional16_29
“May God bless both of you more anď more Congratulations and best wishes in advance” – @bhellapark
Watch the full vlog here:
Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
This website uses cookies.