Team Payaman Kids Kidlat and Mavi Are Moose Gear’s Newest PAWER Duo!

Isang pasabog na proyektong kinabibilangan ng Team Payaman kiddos na sina Kidlat at Mavi ang ibinunyag ng kanilang proud Team Payaman moms.

Kilalanin ang bagong PAWER Duo ng Moose Gear Philippines na talaga namang kagigiliwan ng lahat!

Moose Gear Ambassadors

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang pagbida nina Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, at Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi, bilang bagong mukha ng Moose Gear Philippines.

Kilala ang Moose Gear bilang isa sa mga clothing brand na naghahandog ng pangmalakasang OOTD para sa mga chikiting!

Marami ang humanga sa mga litratong ibinahagi ng Moose Gear Philippines sa isang Facebook post na naglalaman ng mala-model posing ng mag-pinsang Velasquez.

“The wait is over! Meet Kidlat and Mavi, our newest Moose Gear ambassadors! They bring the PAWER to every outfit! Stay tuned for more releases and collections coming real soon!” 

Ilang ekslusibong koleksyon na hango sa istilo ng pananamit nina Kidlat at Mavi ang dapat abangan ng mga taga-suporta ng Team Payaman kids mula sa Moose Gear Philippines.

Proud Mommies

Dahil ito ang kauna-unahang brand endorsement ni Kidlat, hindi napigilan ng kaniyang Mommy Viy ilabas ang pagiging proud mommy sa isang Facebook post.

“My Moosegear baby!” pagbati ni Mommy Viy.

Ibinida din ng 27-anyos na vlogger na isa ang Moose Gear sa kaagapay niya sa pag-iistilo ng mga OOTD ni Kidlat mula pa noon.

“Shop Kidlat’s favorite brand @moosegearkids now!” dagdag pa ni Viy.

Para naman sa pangalawang brand endorsement ni Mavi, hindi rin napigilan ni Mommy Vien na ibida ang bagong proyekto ng kanyang panganay.

“So proud to share that Mavi is the new Moose Gear Kid Ambassador!  He had the best time at his shoot and is loving every moment of this new opportunity. Thank you, Moose Gear, for making this experience more special!” ani Mommy Vien sa isang Facebook post.

Gaya nina Mommy Viy at Mommy Vien, proud din ang mga solid Team Payaman fans sa bagong proyekto nina Mavi at Kidlat.

Cherry Tenedero: “Buhok pa lang sa pa-silhouette guessing sabi ko na si Kidlat at Mavi eh. Congratulations! Pawer na Pawer!”

Meng Sanchez: “Yey! Hello Baby Kidlat and Kuya Mavi. Wow part na kayo ng Moose Gear super bagay talaga mga clothes sa inyo ni Moose Gear.”

Carmela Dizon – David: “OMG! Super pogi talaga ng Team Payaman babies na ‘to!” 

Maria Angela: “Sobrang cute!! Ang mga babies ko moose gear user din. Ito lang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa ootd ng mga anak ko. Sobrang ganda ng quality at presko ang mga apparel niyo!” 

Yenny Certeza

Recent Posts

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

8 hours ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

8 hours ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

2 days ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

5 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

7 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

1 week ago

This website uses cookies.